TODAS ang apat na terorista sa engkwentro ng militar sa Buluan, Maguindanao.
Kinilala ang apat na napatay sina alyas Anding, Said, Bitol, at Habib,mga tauhan ni Kumander Ustadz Karialan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF-Karialan faction).
Ayon kay 601st Brigade Commander Brigadier General Roy Galido, tinutugis ng 90th Infantry Battalion at 40th IB ang grupo ni Solaiman Tudon alyas Kumander Abu Jihad na umatake sa palengke ng Datu Paglas, Maguindanao nang mamataan ng mga sundalo ang mga terorista sa Sitio Linek, Barangay Digal, Buluan at sumiklab ang bakbakan sa magkabilang panig. Tumagal ng mahigit isang oras ang palitan ng mga putok.
Umatras ang mga rebelde nang pasabugan sila ng 81mm mortar ng mga sundalo.
Narekober ng mga sundalo at pulis ang apat na bangkay ng mga terorista na iniwan ng kanilang mga kasamahan.
Nakuha sa posisyon ng mga nasawi ang matataas na uri ng armas, mga bala, magazine, limang Improvised Explosive Device (IED) at mga sangkap sa paggawa ng bomba.
Ngunit sa pahayag ng ilang residente ay hindi BIFF ang mga nasawi at pawang sibilyan na tinamaan ng mortar shelling ng militar.
Patuloy na tinutugis ng Joint Task Force Central ang BIFF sa bayan ng Buluan at Datu Paglas.
The post 4 terorista patay sa engkwentro sa Maguindanao appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: