Facebook

Mag-ina todas sa washing machine

NASAWI ang mag-ina nang makuryente habang naglalaba gamit ang isang washing machine sa Purok-7, Barangay Labnig, Albay, Martes ng umaga.
Sinubukan pang isugod ng mga kaanak sa Cope Memorial Hospital sa Tabaco City pero kapwa idineklarang dead-on-arrival ang mag-inang Asuncion Adalin Bonagua, 52 anyos; at anak na si Ayen,13.
Sa ulat, 10:00 ng umaga habang naglalaba sa washing machine si Asuncion nang aksidenteng mahulog ang extension wire sa tubig kungsaan nakaapak ang ginang dahilan para mangisay ito.
Nakita ni Ayen ang pagkisay ng ina kaya mabilis niyang sinaklolohan subali’t pati siya ay nakuryente rin.
Mabilis namang pinutol ng mga kaanak at residente ang daloy ng kuryente saka isinugod sa pagamutan ang mag-ina pero hindi na sila umabot ng buhay dahil sa matinding pinsalang tinamo ng kanilang katawan sanhi ng malakas na boltahe ng kuryente.

The post Mag-ina todas sa washing machine appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mag-ina todas sa washing machine Mag-ina todas sa washing machine Reviewed by misfitgympal on Mayo 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.