Facebook

Misis ng pulis pinatay ng utol na ‘baliw’, 3 pa sugatan

NASAWI ang asawa ng isang pulis habang sugatan ang tatlong iba pa nang pagbabarilin sa Purok 6, Barangay San Jose, San Vicente, Camarines Norte.
Kinilala ang nasawi na si Christine Ponayo, asawa ni Police Corporal Johnnwise Ponayo na nagtamo rin ng mga sugat, gayundin sina Alex Duave at Erlin Duave na kapwa residente ng naturang lugar.
Ayon sa Camarines Norte Police Provincial Office, habang hinahanda ni Johnnwise ang sasakyan na gagamitin nila para dalhin sa ospital ang salarin na bayaw nito nang bigla nitong hablutin ang service firearm na nakasukbit sa bewang nito at ilang beses pinaputukan ang mga biktima.
Agad dinala sa ospital ang mga biktima ngunit ideklara ng dead on arrival ng mga doktor si Christine.
Nabatid na mayroong problema sa pag-iisip ang salarin.
Nasa kustodiya na ng mga otoridad ang salarin.

The post Misis ng pulis pinatay ng utol na ‘baliw’, 3 pa sugatan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Misis ng pulis pinatay ng utol na ‘baliw’, 3 pa sugatan Misis ng pulis pinatay ng utol na ‘baliw’, 3 pa sugatan Reviewed by misfitgympal on Mayo 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.