Facebook

‘Young heroes’: 2 binatilyo lumangoy ng 2 oras para humingi ng saklolo

HINANGAAN ang tapang at kabayanihan ng dalawang binatilyo nang languyin nila ang Sarangani Strait sa loob ng dalawang oras noong Biyernes ng hapon para humingi ng tulong nang masiraan ng bangka sa Sarangani, Davao Occidental .
Ligtas na nakarating sa Barangay Konel sa Balut Island sina Pelindo Engcong, 14 anyos; at Jeric Mabuka, 15, bitbit lamang ang mga piraso ng styrofoam ng ice chest bilang alalay sa kanilang paglangoy.
Kinaya ng mga binatilyo ang paglangoy kahit na malalakas ang alon sa karagatan na ito, lalo’t siyam na kapamilya nila ang sakay sa bangka na nakaranas ng engine failure.
Unti-unti narin umanong pumapasok ang tubig-dagat sa bangka.
Agad na rumesponde ang mga pulis, coast guard, at mga rescuer at nailigtas ang mga sakay ng bangka sa tulong nina Pelindo at Jeric.
Kwento ni Daisy Jane Katiandagho, ang nag-post sa social media ng litrato ng tinaguriang “young heroes”, ligtas na dumating sa Balut Island ang mga sakay na kinabibilangan ng matatanda at may mga menor de edad din.
“Sila ang sumagip sa kanilang mga kasama, at kundi dahil sa kanila, maaring hindi masagip ang mga sakay,” ayon kay Daisy Jane.
Dagdag ni Daisy Jane, nagpadala narin ng ayuda ang lokal na pamahalaan sa mga pamilya na sakay ng bangka.
Payo naman ng mga awtoridad: Suriin ang sasakyang bangka bago bumiyahe at siguraduhing may dalang mga life jacket.

The post ‘Young heroes’: 2 binatilyo lumangoy ng 2 oras para humingi ng saklolo appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Young heroes’: 2 binatilyo lumangoy ng 2 oras para humingi ng saklolo ‘Young heroes’: 2 binatilyo lumangoy ng 2 oras para humingi ng saklolo Reviewed by misfitgympal on Mayo 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.