Facebook

3 menor de edad ginawang drug couriers, nasagip ng PDEA

NASAGIP ang 3 menor de edad na lalaki na ginamit bilang mga drug courier sa lungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan nitong Miyerkoles.
Ang mga bata ay nasa edad 12 hanggang 13. Nasagip ang mga ito nang magsagawa ang Philippine Drug Enforcement Agency Region III (PDEA-3) ng buy-bust sa Pleasant Hill Subdivision, Barangay San Manuel sa naturang bayan.
Mula umano sa tip na may illegal drug activities sa lugar, inilunsad ng mga awtoridad ang isang entrapment operation laban sa target na si alyas Abdul.
Pero imbes na ang target ang mahuli, ang mga menor de edad ang lumutang sa lugar.
Sa ulat, inutusan ni Abdul ang mga bata na ihatid ang droga sa loob ng isang subdivision at nangakong babayaran sila.
Ang mga batang lalaki ay itu-turnover sa local Social Welfare Development officer ng SJDM.
Pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad si alyas Abdul.
(James de Jesus)

The post 3 menor de edad ginawang drug couriers, nasagip ng PDEA appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
3 menor de edad ginawang drug couriers, nasagip ng PDEA 3 menor de edad ginawang drug couriers, nasagip ng PDEA Reviewed by misfitgympal on Mayo 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.