Facebook

2 paslit karumal-dumal na pinatay; ni-rape ang isa sa Bulacan

KARUMAL-DUMAL na kamatayan ang sinapit ng 2 bata nang matagpuan ang kanilang bangkay sa liblib at mabundok na bahagi ng Barangay Gumaoc East, San Jose Del Monte, Bulacan nitong Miyerkoles.
Kinilala ang mga biktima na sina Jenny De Vera, 11 anyos; at Lou Anderson Icalla, 8.
Ayon sa ulat, may mga sugat sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima. Pinaniniwalaang ginahasa si Jenny dahil wala na itong saplot pang-ibaba at pang-itaas at iniwang nakatihaya.
Natagpuan hindi kalayuan sa katawan ni Jenny ang bangkay ni Lou Anderson na nakadapa sa damuhan.
Ayon sa mga kaanak ng mga biktima, nagpunta sa lugar noong Martes ang magkakaibigan upang maglaro. Hindi naman ito ang unang beses na ginawa ng dalawa ang paglalaro doon.
Ngunit, sa araw na iyon, hindi na nakauwi ang dalawa hanggang sa pagsapit ng gabi.
Nagtulong-tulong ang mga kaanak na hanapin ang mga bata hanggang sa matagpuan nila ang bangkay ng dalawa.
Pahayag ng mga pulis sa SJDM, isasailalim pa sa autopsy ang mga bangkay ng dalawa upang makakalap ng mga ebidensya patungkol sa pagkamatay ng mga ito.
Ayon sa mga pulis, may “persons of interest” na silang tinitingnan habang patuloy ang imbestigasyon at pagtugis sa salarin. (James de Jesus)

The post 2 paslit karumal-dumal na pinatay; ni-rape ang isa sa Bulacan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2 paslit karumal-dumal na pinatay; ni-rape ang isa sa Bulacan 2 paslit karumal-dumal na pinatay; ni-rape ang isa sa Bulacan Reviewed by misfitgympal on Mayo 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.