Facebook

Sr. citizen nangisay sa bakuna kontra Covid-19

ISA na naman ang nasawi matapos magpabakuna kontra Covid-19.
Kinilala ang nasawi na si Zoilo Borcillo, 73 anyos, ng Barangay Agusan, Cagayan de Oro City.
Si Borcillo ay tumanggap ng 1st dose ng AztraZeneca Covid-19 vaccine sa SM Premier sa Cagayan de Oro City, Miyerkoles ng umaga.
Kinumpirma ni City Health Insurance Officer, Dr William Bernardo, na nakatutok sa city vaccination rollout para sa senior citizens na mga residente ng siyudad ang pangyayari.
Inihayag ni Bernardo na lumipas pa ang ilang minuto matapos maturukan ng bakuna ang biktima bago ito makaramdam ng biglaang pagsikip ng kanyang hininga. Kaagad itong isinugod sa pagamutan subali’t dead on arrival na ito.
Nanatid na ang biktima ay mayroong mga karamdaman na iniinda kaya mayroong medicine maintenance. Pero itinuloy parin ang pagbigay ng bakuna dahil umano ambulatory at hindi ito mukhang sa-kitin.
Ikinalungkot naman ni City Mayor Oscar Moreno ang sinapit ng biktima na kanya ring kakilala dahil dating nagsilbing city schools division official ang maybahay nito.
Sa kaniyang daily Covid-19 update sa Facebook, inabisuhan ni Mayor Moreno ang mga mayroong karamdaman na magpa-clearance muna sa kanilang mga doktor bago magpabakuna laban sa Covid-19.
Kamakailan lang ay isang 24-anyos na titser din ang nasawi matapos maturukan ng 2nd dose ng bakunang Sinovac sa Sto. Tomas, Batangas.
Ang dalagang titser ay si Erika Pamintuan, guro ng DMMC High Schook sa Bgy. 3, Tanauan City, Batangas.
Noong Mayo 1, 2021, namatay din ang isang pulis ng CIDG Rizal Province na si Randy Mendoza, 40, matapos maturukan ng Sinovac.
Noong Abril 11, 2021, nasawi rin ang healthcare worker na si Sydney Rose Panimdem, 37, ng Bgy Tangke, Ta-lisay, Cebu, matapos maturukan ng 2nd dose ng Sinovac.

The post Sr. citizen nangisay sa bakuna kontra Covid-19 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Sr. citizen nangisay sa bakuna kontra Covid-19 Sr. citizen nangisay sa bakuna kontra Covid-19 Reviewed by misfitgympal on Mayo 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.