Facebook

Sobrang sobra na!

TILA hinahamon na ng mga masisibang kawatan sa mga ahensiya ng gobyerno ang mismong Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa personal na krusada nito laban sa korapsiyon.

Sa halip kasing tumigil o maghinay-hinay ang mga buwaya sa gobyerno, walang sawa ang mga ito sa pagdambong sa pondo ng bayan.

Ilan sa mga ahensiyang ito ay ang DPWH, Bureau of Customs, Bureau of Corrections, Bureau of Immigration, kapulisan, at maraming pang ahensiya ng pamahalaan.

Dito sa ating pitak, ibinubulgar ang katiwaliang nangyayari sa mga sangay ng ating gobyerno, partikular na sa DPWH.

Marami sa mga opisyal at kawani ng tanggapang ito ay May mga katarantaduhang umiiral lalo na sa mga matataas na opisyal nito na lantaran at garapalang gumagawa ng milagro.

Una na ay ang tungkol sa mga kuwestiyonableng biddings na ayon sa ating source na contractors ay walanghiyaan ang laban at talagang pera-pera ang usapan.

Napag-alaman din po natin na mismong mga opisyal at empleyado ng DPWH ang sumasawsaw sa mga moro-morong biddings at tumatayong mga negosyador upang brasuhin ang mga legit contractors na sumasali sa biddings at mapapayag ang mga ito na makipagkutsabahan sa mga sindikatong mistulang Mafia na nagmamanipula ng mga kontrata sa DPWH gamit ang harassment, pananakot, impluwensiya at kapangyarihan ng kuwarta upang dambungin ang pondo ng bayan.

Ang masakit, kumikita na ang mga walanghiyang ito, nakukumpromiso pa ang integridad at kalidad ng bawat proyektong isinasagawa.

In the end, mamamayan at ang bansang Pilipinas ang naaagrabiyado.

Kaawa-awa ang ating mga taxpayers na nagkakandakuba sa pagbabayad ng kanilang buwis na napupunta lamang sa lukbutan ng iilang masisiba at matatakaw na opisyal ng gobyerno.

Sadyang napakapalad ng mga walanghiyang ito!

Sumasahod na ng malaki sa kokonti at malatubang trabaho, kumikita pa ng limpak-limpak na salapi sa pamamagitang ng pagtatampisaw sa kultura ng korapsiyon.

Makikita mo naman at madaling makilatis ang mga opisyal na mandurugas at magnanakaw!

May magagarang sasakyan, signature na kasuotan, top of the line jewelries at gadgets with matching mga bodyguards pa.

Balot ng lahat na yata ng klase ng bisyo mula sa pagsusugal hanggang sa pambababae.

Para sa kanila ang kuwarta ay madaling hakutin.

Pinapala o sinasalakab sa dami ika nga!

Sa biddings pa lamang na isinasagawa on a regular basis, bastante na ang ano mang bisyo mo.

Suportado ng todo-todo ika nga.

Hindi lamang sa DPWH ito nakakapangyari kundi sa halos lahat ng sangay ng pamahalaan.

Sa Bureau of Customs, Bureau of Corrections kung saan “selling like hot cakes” ang mga celfons sa mga may kayang inmates.

Ang isang ordinaryong celfon na key pad type ay nagkakahalaga ng Php 7-8K bawat isa sa loob ng Munti.

Sa labas o sa mga malls, nagkakahalaga lamang ito ng dalawang libong piso (2K).

Tubong lugaw ika nga.

Ganoon din sa BOC kung saan per container and by the thousands and hundred thousands pesos ang usapang kitaan.

Sa Bureau of Immigration naman, per head ng mga kupal na Koreano, Bombay at iba pang nationalities ang tawaran by hundreds of thousand pesos again.

Lifting lamang ‘yan ng travel ban.

Walang pa ang pagkuha ng working,temparary at permanent resident visas at kung anu-ano pang kaekekan.

Ay ambot, sadyang matatalino at magagaling sa katarantaduhan tayong mga Pilipino.

Kahit na ata matigas na bato ay kayang gawing kuwarta lalo na yaong mga taong gobyerno.

Kaya hindi na tayo nagtataka kung nasabi ni Pangulong Duterte na bigo siyang bunutin ang ugat ng korapsiyon sa sistema ng ating pamahalaan.

To do so and to get rid of these menace, kailangan mong pagpapatayin lahat at ibaon six feet below the ground ang mga ulol na ito..

Kailangan mong maging berdugo at pumatay ng walang awa dahil mga walang takot at konsensiya ang mga hindot na ito.

Gaya ng sa droga, addicted na rin ang mga itong magnakaw at mandambong kahit pa nga sarili na nilang mga buhay ang nakataya.

Sa dami ng kanilang ninakaw, kaya na nilang paikutin ang batas at bilhin ang kanilang kalayaan.

Mga professional criminals ang taguri sa mga walanghiyang ito.

Sa sitwasyong ito, may pag-asa pa bang makahulagpos ang bansang Pilipinas sa pagkagulapay sa kagagawan ng mga mismong mamamayan nito?

Mga walang konsensiyang nilalang na sadyang walang pakialaman sa kanilang kapwa at sadyang walang takot sa batas at sa Panginoong Diyos.

Suhestiyon ng inyong abang lingkod ay kalusin ang mga ganitong salot ng lipunan upang makapamuhay ng marangal, maayos,ligtas at may dignidad ang iba pang matitinong Pilipino!

The message must have been brutal but what else can we do?

Kailangan bang isakripisyo ang maraming buhay para sa mga kriminal at demonyong mga ito?

***

PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com

The post Sobrang sobra na! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Sobrang sobra na! Sobrang sobra na! Reviewed by misfitgympal on Mayo 08, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.