NASAWI ang Staff Officer III ni Pangulong Rodrigo Duterte nang salpukin ang minamanehong motorsiklo ng isang van sa Barangay Doña Imelda, Quezon City, Lunes ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Pelagio Regoyla Diosdado, 44 anyos, Presidential Staff Officer III at residente ng 531 F Legaspi St., Maybunga, Pasig City.
Kinilala ang naaresto na si Benedict Faustino Bautista, 39, driver, ng Beverly Homes Frensa II Marilao, Bulacan.
Sa report, 11:30 ng gabi nang maganap ang aksidente sa intersection ng G. Araneta Avenue at Aurora Blvd., Bgy. Doña Imelda.
Ayon sa ulat, sakay ang biktima ng dilaw na Honda XRM (no plate available) nang sumulpot ang Rebuilt Isuzu Insulated Van na minamaneho i Benedict patungong west direction ng Aurora Blvd.
Naisugod pa sa Philippine Orthopedic si Diosdado subali’t binawian din ito ng buhay.
Tumakas pa si Benedict pero nakorner din ito ng mga tauhan ng Eastern Police District (EPD) District Mobile Force Battalion (DMFB) sa itinayong checkpoint sa G. Araneta Ave., kanto ng N. Domingo St., San Juan City.
Nakapiit si Benedict sa QCPD Traffic Sector 4.
The post Staff officer ni Pres. Duterte patay sa aksidente appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: