DUMATING na sa bansa ang panibagong one million doses ng Sinovac vaccine na target muna ipamahagi sa mga probinsiya na mataas ang kaso ng Coronavirus Disease (COVID).
Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., may inaasahan pang darating na 1-milyong doses ng Sinovac at nasa 2.2 million doses naman ng Pfizer vaccines na nakatakdang dumating sa Hunyo 10.
Inaasahan ang pagdating ng dalawang milyong doses ng AstraZeneca COVID vaccines sa susunod na dalawang linggo na mula sa COVAX facility ng World Health Organization.
Kabilang sa mga vaccine brands na nai-deliver na sa bansa ay Sinovac, AstraZeneca, Pfizer-BioNTech at Sputnik V.
Bukas, Hunyo 7, ay pangungunahan ni Health Secretary Francisco Duque III ang ceremonial rollout ng COVID-19 jabs para sa A4 category o mga economic frontliners.
Gayundin ay sisimulan ang simultaneous jabbing para sa A1, 2, 3 at A4.
Gagawin ang ceremonial inoculation sa SM Mall of Asia sa Pasay City ganap na alas-10:00 ng umaga.
Makakasama nina Duque at Galvez sa ceremonial vaccination sina Presidential spokesman Harry Roque, at treatment czar Vince Dizon.
Target ng gobyerno na mabakunahan ang nasa 35.5 million workers na nasa A4 category.
The post 1-M pang Sinovac vaccines dumating na; 2-M Pfizer vaccines darating sa Hunyo 10 appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: