Facebook

Covid update: 7,228 bagong kaso; 7,372 gumaling; 166 nasawi

NAKAPAGTALA pa ng panibagong 7,228 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa ang Department of Health (DOH) nitong Linggo, Hunyo 6.

Base sa case bulletin ng DOH, nabatid na umaabot na rin ngayon ang total confirmed COVID-19 cases sa bansa sa 1,269,478.

Umakyat din naman sa 59,337 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas o 4.7% ng total COVID-19 cases.

Sa mga aktibong kaso ng sakit, 93.5% ang mild cases lamang, 2.4% ang asymptomatic, 1.3% ang critical, 1.7% ang severe, at 1.15% ang moderate.

Samantala, umabot na sa 1,188,243 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 93.6% ng total cases, matapos na makapagtala pa ng 7,372 bagong gumaling mula sa virus.

May naitala rin namang 166 bagong nasawi dahil sa virus sanhi upang umabot naman na sa 21,898 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)

The post Covid update: 7,228 bagong kaso; 7,372 gumaling; 166 nasawi appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Covid update: 7,228 bagong kaso; 7,372 gumaling; 166 nasawi Covid update: 7,228 bagong kaso; 7,372 gumaling; 166 nasawi Reviewed by misfitgympal on Hunyo 06, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.