KULONG habambuhay ang ipinataw ng Quezon City Regional Trial Court sa 8 kidnappers ng isang Filipino-Chinese noong 2004.
Ipinalabas ang disisyon ni Judge Ma. Luisa Gonzalez-Betic ng RTC Branch 225, Quezon City, nang mapatunayan ‘guilty’ ang mga akusadong sina Romeo Ayson, Clayton Patingan, Alberto Culanag, Romeo Aruta, Jose Olbato, Jaime Tolevas, Edwin Castillo, at Sebastian Magaipo sa kasong ‘kidnapping for ransom’.
Pinawalang-sala naman ng korte sina Pepe Bihag at Lolita Monares.
Dating miyembro ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sina Patingan at Ayson na kabilang sa 15 suspek na nadakip ng mga elemento ng binuwag na Police Anti-Crime and Emergency Response (PACER) ngayo’y PNP Anti-Kidnapping Group sa isinagawang operasyon na nagresulta ng pagkakasagip sa biktimang si Genevive Sy.
Pinalaya naman sina Mary Ann Angcahan, Julien Madrid, Janeth Patilona, Clifftor Langcao, Eric Pao nang pumasok ang mga ito sa “plea-bargaining agreement” noong 2016.
Sa rekord ng PNP-AKG, si Genevive, 27 anyos, ay sapilitan tinangay ng mga armadong grupo nang harangin ang kanyang minamanehong sasakyan sa Severino St, Sta Cruz, Manila noong March 8, 2004.
Tinangay rin ng mga suspek ang alahas, cash at mga personal na kagamitan ng biktima.
Dinala ang biktima sa safehouse sa Fairview, Quezon City at inilipat sa isang pang safehouse sa Antipolo City, Rizal.
Nagbayad ang pamilya ng P 500,000.00 ransom sa mga suspek March 19,2004.
Nasagip ang biktima ng mga otoridad March 20,2004.(Mark Obleada)
The post 8 KIDNAPPERS NG FIL-CHINESE ‘KULONG HABAMBUHAY’ appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: