NAUDLOT ang kaligayan ng isang bagong kasal at kanilang mga bisita sa kasagsagan ng kanilang party nang hulihin dahil sa paglabag sa ipinatutupad na health protocols laban sa Covid-19 sa Cauayan City, Isabela nitong nakaraang Biyernes.
Ayon sa ulat, dinakip ng mga tauhan ng Public Order and Safety Division (POSD) ang groom at bride kabilang ang kanilang mga magulang at bisita nang maabutan silang nagkakasiyahan at nag-uumpukan habang walang suot na face mask sa Barangay Nungnungan 2, Cauayan City.
Sa pahayag ni retired Colonel Pilarito Mallillin, hepe ng POSD, maliwanag na lumabag sa health protocols ang mga nadakip. Dinala ang mga ito sa triage area para ipasuri at malaman kung wala sa mga ito ang positibo sa Covid-19.
Ayon kay Mallillin, inihahanda na ang kasong isasampa laban mga dinakip dahil sa paglabag sa umiiral na health protocols kabilang na ang curfew.
Damay din sa kaso ang kapitan ng nasabing barangay.
The post Bagong kasal, mga bisita dinakip sa party; Bgy. kapitan kakasuhan appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: