Facebook

2 bikers patay sa pagsabog sa Masbate

NASAWI ang 2 bikers sa pagsabog ng isang improvised explosive device (IED) sa Masbate City nitong Linggo ng umaga.

Sa ulat, parehong lalaki at magpinsan, mga edad 40 at 21 anyos, ang mga nasawi na hindi pa pinangalanan.

Sugatan naman ang 16-anyos na lalaking anak ng namatay na 40-anyos. Kasama rin nila itong nagba-bike.

Ayon sa imbestigasyon ng Masbate Police, papunta sa mga kamag-anak sa Barangay B. Titong ang mga biktima nang tamaan ng sharpnel mula sa sumabog na IED 6:45 ng umaga sa Barangay Anas.

Sinugod sa Masbate Provincial Hospital para gamutin ang sugatang .

Naghigpit sa seguridad ang mga pulis sa Masbate City kasunod ng pagsabog.

Inalerto rin ng mga pulis ang mga kapwa pulis sa mga karatig-bayan, na posibleng daanan o puntahan ng mga salarin.

The post 2 bikers patay sa pagsabog sa Masbate appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2 bikers patay sa pagsabog sa Masbate 2 bikers patay sa pagsabog sa Masbate Reviewed by misfitgympal on Hunyo 06, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.