Facebook

P1-M pabuya sa makapagtuturo sa ‘killers’ ng chief of staff ng Brigada

IPINAG-UTOS ni PNP Chief, General Guillermo Eleazar, ang malalimang imbestigasyon sa pagbaril-patay sa isang media executive sa General Santos City.

Kinilala ang biktima na si Yentez Quintoy, 34 anyos, executive director at chief of staff of the Brigada Group of Companies.

Sa report, pinagbabaril si Quintoy ng riding in tandem habang nagmamaneho ng kanyang sasakyan papauwi ng bahay sa NLSA Road sa Pook Masunurin, Barangay San Isidro, General Santos City nitong Biyernes ng tanghali.

“Mariin po nating kinokondena ang insidenteng ito. I have directed the local police to thoroughly investigate this killing and launch manhunt operations against the perpetrators of this crime” ani Eleazar. “Titingnan po natin kung job-related ang motibo sa pagpatay sa biktima pero hindi natin isasantabi ang iba pang posibleng anggulo sa krimen na ito.”

Ayon pa kay Eleazar, nakikipag-ugnayan na ang mga otoridad sa pamilya ng biktima upang malaman kung mayroon nakaalitan o nakatanggap ng pagbabanta sa buhay ang biktima bago ang krimen.

Naglaan ng P1 million pabuya ang Brigada sa sinomang makapagbibigay ng impormasyon upang matukoy at madakip sa lalong madaling panahon ang mga salarin. (Mark Obleada)

The post P1-M pabuya sa makapagtuturo sa ‘killers’ ng chief of staff ng Brigada appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
P1-M pabuya sa makapagtuturo sa ‘killers’ ng chief of staff ng Brigada P1-M pabuya sa makapagtuturo sa ‘killers’ ng chief of staff ng Brigada Reviewed by misfitgympal on Hunyo 06, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.