Facebook

CAFGU patay, 3 sugatan sa ambush sa Quezon

NASAWI ang isang miyembro ng CAFGU (Citizen Armed Force Geographical Unit) Active Auxilliary sa pananambang ng New People’s Army (NPA) sa Buenavista, Quezon nitong Sabado.

Kinilala ang nasawi na si Romar Gono, 22 anyos, naka-assign sa Patrol Base Wasay ng Buenavista.

Ayon kay B/Gen. Norwyn Romeo Tolentino, commander ng 201st Infantry Brigade, nagsagawa ng joint gift-giving activity ang mga tauhan ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines sa Barangay Del Rosario at pabalik na sa kanilang kampo nang pinaulanan sila ng bala ng pitong NPA.

Tinukoy ni Tolentino ang isang Philip Enteria alyas Cyrus bilang lider sa nangyaring ambush.
Maliban sa nasawi, dalawang sundalo at isa pang militiaman ang nasugatan.

Nakapag-retaliate ang mga sundalo mula sa 85th Infantry Battalion at pinaniniwalang may casualties din sa hanay ng mga rebeldeng.

The post CAFGU patay, 3 sugatan sa ambush sa Quezon appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
CAFGU patay, 3 sugatan sa ambush sa Quezon CAFGU patay, 3 sugatan sa ambush sa Quezon Reviewed by misfitgympal on Hunyo 06, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.