GOOD muna mga kakorner bago nega.
Kamakailan ay kinalampag ng korner na ito ang KAOEYAN ng kinauukulan sa DoH kaugnay ng patuloy na pagpapatupad ng pagsusuot ng faceshield na sa ‘Pinas na lang ginagawa.
Kamakalawa, ay kabilang din si Yorme Isko sa may klamor at nais na niyang ipatigil na ang pagsusuot ng naturang shield na dagdag- panangga raw sa virus bukod pa sa pasakit na facemask.
Ayaw niya ng dagdag- kalbaryo sa mahal niyang Manilenyos at magbubunga rin ito ng epekto sa kapaligiran balang araw.Bukod sa may mga nakinabang sa komersiyo ng faceshield sa panahon ng krisis, ilang milyong plastik na bundok ng basura ang maiipon paglipas ng maikling panahon lang na banta na naman sa environment.Good ka diyan Yorme kahit na walang paQUE si DuQue masQUE pa QUE horror ang maaaring mangyare.
Tungkol naman sa badnyus,dahins me elibs sa boka ni Yorme tungkol sa aniya ay tutol siya sa tronong minamana lang lalo na sa pagiging Pangulo ng bansa.
Kahit di niya aminin ay si Mayor Sara ang tukoy na anak ni PDigong na nagnombra naman sa kanya bilang Usec bago siya naging Yorme at kasangga noong una, pero nag-iba ng ihip ngayong akala niya ay BIGERDANLAYF na siya.
Kaya nga may eleksiyon, ibinoboto ang kandidato at di minamana. Huwag maging NEGA aydul Yorme.Huwag ding padala at pabilang sa dilaw at pula..KISOPDET yan.Makinig sa mas mayorya dear mayor.Yorme..para Lopangu?ABANGSKI! Sa reaksyon , #09199845253
***
KRIMINAL AT SALOT NG KAPALIGIRAN TARGET NI
CIDG-DIR PM GEN. FERRO
SA pagpapatuloy ng pagsisikap ng CIDG kontra kriminalidad, ang DSLFU11 sa kooperasyon ng Bansalan MPS, RMRB 1104th, DSPMFC 1102nd, DSPIU at DENR CENRO ay nagsagawa ng pinagsamang operasyon kontra ‘unlawful destruction of natural resources partikular sa mga iligal na pamumutol ng Lauan trees sa Davao del Sur. Ang mga trosong nagkakahalaga halos ng kalahating milyong piso na nasabat ng awtoridad ay kasalukuyang nasa kustodiya ng DENR CENRO at pansamantalang inilagak sa Bgy. Hall ng Darapuan para sa proper disposition habang ang mga suspek na nagawang makatakas sa pagkaaresto ay tinutugis ng walang humpay.
“The CIDG is not just enforcers of the law but protectors of the environment as well. I am confident our operatives will be able to arrest the suspects soon,” pahayag ni CIDG Director PMGEN ALBERT IGNATIUS FERRO.
Habang hilong-talilong sa pagtatago ang mga kriminal, pati ang mga salot ng kalikasan ay wala na silang susulingan dahil sa mahabang kamay ng batas na tumutugis sa kanila sa atas ni CIDG DIR PMGEN ng FERRO, sa basbas ni PNP CHIEF Gen. Guillermo Eleazar at sa direktiba ni Commander-in-Chief /President Rodrigo Duterte.. . ABANGAN!!
The post GOOD AT BADNYUS MULA KAY YORME appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: