Facebook

Notorious ASG bomb maker patay sa Basilan

TODAS ang isang notorious Abu Sayyaf bomb maker na trusted man ng napatay na ASG Leader Furuji Indama sa ikinasang intelligence-driven police operations na pinangunahan ng PNP Intelligence Group sa Basilan nitong Sabado.

Kinilala ni PNP Chief, General Guillermo Eleazar, ang napatay na terorista na si Aroy Ittot alyas Oroy, kilalang miyembro ng Dawlah Islamiyah/ASG/bomb maker at kabilang sa Top Priority Taget (TPT) ng PNP sa PRO-BAR.

Sa report ni PNP-IG Director, BGen. Warren Ferrer De Leon, kay Eleazar, pinagsanib na pwersa ng PNP ang nagpatupad ng pagsisilbi sa Warrant of Arrest laban sa suspek nitong June 5, 2021 alas-2:30 ng madaling araw.

Sa ulat, nahaharap ang suspek sa kasong murder na inilabas ni Judge Leo Jay Principe, RTC, 9th Judicial Region, Branch 1, Isabela City, Basilan.

Sangkot ang napatay na bomb maker sa iba’t ibang harassment lalo na sa grupo ni Mayor Ibrahim Ballaho ng Mohamad Ajul habang nagsasagawa ng community service.

Sangkot din ito sa mga road side bombings at pagsabog ng isang sasakyan sa Lamitan, Basilan. (Mark Obleada)

The post Notorious ASG bomb maker patay sa Basilan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Notorious ASG bomb maker patay sa Basilan Notorious ASG bomb maker patay sa Basilan Reviewed by misfitgympal on Hunyo 06, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.