Facebook

Paslit ginahasa ng stepdad sa Bulacan

ISANG walong taon gulang na babae ang ginahasa ng kanyang step father sa San Ildefonso, Bulacan.

Kinilala ang nanggahasa na si Wilfredo Peralta, 41 anyos, habang ang biktima itinago sa pangalang Leslie, ng Brgy. Mataas ng Parang ng naturang bayan.

Sa report, 5:00 ng madaling araw nitong Biyernes, Hunyo 4, nang mangyari ang insidente.

Ayon sa ulat, natutulog ang biktima sa kanyang kama nang magising at maramdamang hinahalik-halikan ang kanyang leeg ng katabing stepfather.

Nagpupumiglas ang paslit subali’t tinakot siya na papatayin kung patuloy siyang manlalaban.

Naaresto si Peralta na nahaharap sa kasong panggagahasa.

The post Paslit ginahasa ng stepdad sa Bulacan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Paslit ginahasa ng stepdad sa Bulacan Paslit ginahasa ng stepdad sa Bulacan Reviewed by misfitgympal on Hunyo 06, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.