Facebook

3 drug dens sa Zambo nawasak ng pulisya

WINASAK ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) katuwang ang pulisya ang tatlong drug dens at nahuli ang pitong tao at nasamsam ang nasa P319,000 halaga ng droga sa ikinasang mga operasyon sa Zamboanga city.

Kinilala ang mga sinasabing nagpapatakbo sa drug dens na sina Richard Mustafa na kilala rin bilang Richard Mostasa; Chesca Cariño; at Arnel Varona. At ang iba pang nahuli ay sina Leonardo Baguio, Gary Escalicas, Manuelito Cañete, at Christopher Mustafa.

Natagpuan lahat ang nasabing drug dens sa Sta. Catalina, ang itinuturing na top drug hotspot.

Kargado ng search warrant ang PDEA at PNP sa pagsalakay sa lugar. Nasamsam ang nasa 20 gramo ng shabu na may halagang P136,000 at drug paraphernalias.

Nasa 16 gramo ng droga na nagkakahalaga ng P108, 800 ang nasamsam kay Cariño; habang 11 gramo kay Varona na may halagang P74,800 at drug paraphernalias.

The post 3 drug dens sa Zambo nawasak ng pulisya appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
3 drug dens sa Zambo nawasak ng pulisya 3 drug dens sa Zambo nawasak ng pulisya Reviewed by misfitgympal on Hunyo 06, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.