Facebook

P13.6m shabu nasamsam sa 2 tulak sa Taguig

ARESTADO ang dalawang tulak na nahulihan ng P13.6 milyong halaga ng shabu sa Taguig.

Kinilala ang mga naaresto na sina Melanie Capin at Jeffrey Sadyasa.

Sa ulat, isinagawa ang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency-National Capital Region (PDEA-NCR) nitong Sabado.

Ayon sa report, umabot sa dalawang kilo ng droga ang nasamsam kina Capin at Sadyasa.

“Itong nahuli nating 2 kilong droga ay matatawag natin na follow-up operation sa pagkakuha natin sa 20 kilos ng shabu doon sa area ng Las Piñas at Parañaque City,” sabi ni PDEA-NCR regional director Adrian Alvariño.

Sinabi pa ni Alvariño na ang mga naaresto ay mga baguhan palang dahil wala pang rekord ang mga ito.

The post P13.6m shabu nasamsam sa 2 tulak sa Taguig appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
P13.6m shabu nasamsam sa 2 tulak sa Taguig P13.6m shabu nasamsam sa 2 tulak sa Taguig Reviewed by misfitgympal on Hunyo 06, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.