TUMIKADA si Kevin Durant ng 29 points at 10 rebounds upang tulungan ang Brooklyn Nets na ilaglag ang Milwaukee Bucks 115-107, sa opening game ng kanilang second round series sa Barclays Center sa New York City kahapon.
Ang Nets ay nagtagumpay sa digmaan kontra sa dalawang team na matinik sa opensa Sabado ng gabi kahit nawala sa James Harden dahil sa natamong harmstring injury sa unang minuto ng laro.
Nagdagdag si Kyrie Irving ng 25 points at eight assists, Blake Griffin umiskor ng 18 points at team— high 14 rebounds para sa Nets, na dinaig ang Bucks six games sa 2003 finals, huli nilang tagpo sa playoffs.
Journeyman Mike James off the bench nag-ambag ng 12 points sa panalo.
Ang Game 2 ay sa Lunes sa Brooklyn.
Antetokoumpo, ang two time reigning NBA Most Valuable Player, na naglaro ng 35 minuto ay nag-ambag ng 24 points at 11 rebounds para sa underdog Bucks.
Ang dalawang clubs ay nakapasok sa second round ng postseason matapos idispatsa ang kanya-kanyang kalaban sa first round ng series.
Winalis ng Milwaukee ang Miami nakaraang Sabado para umusad sa second round sa ikatlong sunod-sunod na season.
Brooklyn, may average na 118.6 sa regular season, ay tinapos ang Boston Celtics sa game five sa pangunguna ng tinaguriang Big Three Durant,Irving at Harden.
Dahil sa injuries and rest, ang trio ay nakapaglaro eight games ng sabay sabay sa regular season.
Umaasa ang Brooklyn na maging healthy ang big three sa playoffs pero muling nagtamo ng isa na namang injury si Harden mismo sa harap ng 15,700 fans sa Barclays Center arena.
Si Harden ay may average na 27.8 points at 10.6 assists sa first round laban sa Celtics.
The post Nets pinagulong ang Bucks sa Game 1 ng second round appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: