Facebook

Pekeng oposisyon

HUWAG padadala sa tamis ng boladass ni Isko Moreno at Mane Pacquiao. Sila ang mga pekeng oposisyon dahil hindi nila kinakatawan ang demokratikong puwersa ng oposisyon sa bansa. Nagpapanggap lang.

Nakakatawa si Mane at Isko. Kinalaban ni Isko ang paggamit ng face shield. Bakit ngayon lang siya nagsalita? Si Mane naman, inupakan si Pons Cusi. Hindi si Bong Go. Mahina ang dating ng upak niya. Halatang may sinsasanto.

Iyan ang istratehiya nila. Palabasin na sila ang oposisyon. Pero sino ang maniniwala?

***

SULYAP sa kasaysayan. Ika-5 ng Hunyo, 1899 ng paslangin si Hen. Antonio Luna na mga guwardiya ni Emilio Aguinaldo. Narito ang salaysay: Ngayong araw June 5 1899/2021.
Pinaslang ng mga guwardiya ni Emilio Aguinaldo si Heneral Antonio Luna.

Sa araw na ito noong 1899, nang nakatanggap si Heneral Antonio Luna sa kanyang kampo sa isang bayan sa Tarlac ng isang telegramang sinasabing galing kay Pangulong Emilio Aguinaldo, na sinasabing pinapapunta ang heneral sa Himpilan ng Pangulo sa simbahan ng Cabanatuan para sa isang pag-uusap na tugon sa naunang ipinadalang telegrama ni Heneral Luna kay Pangulong Aguinaldo. Ayon sa kaalyado ni Heneral Luna na si Kapitan Eduardo Rusca ay natanggap ni Heneral Luna ang telegrama pasado alas-7 ng gabi. Nakasulat sa address ng telegrama na mula ito sa Dagupan, Pangasinan at ipinasa ang mensahe sa San Fernando, Pampanga at hinatid kina Heneral Luna sakay ng karitela. Isinulat pa ni Heneral Luna sa telegrama ang isang note na nagsasabing nakabilanggo pa ang miyembro ng gabinete ni Pangulong Aguinaldo na si Felipe Buencamino, Sr.

Kinabukasan, tumulak na papunta sa Presidential Headquarters ng unang Republika sa Cabanatuan, Nueva Ecija sina Heneral Luna, ang adjutant niyang si Koronel Francisco Roman, Kapitan Rusca, ang magkapatid na sina Kapitan Jose at Major Manuel Bernal at iba pang mga sundalo, pero sinabi nina Heneral Luna na magpaiwan na sa daanan ang magkapatid na Bernal at iba pa at tutungo na lang siya sa Cabanatuan kasama sina Roman at Rusca. Walang kamalay-malay ang patibong na dala ng telegramang ibinigay sa magiting na heneral.

Nagpunta si Luna sa punong tanggapan, nag-iisa, upang makipag-usap sa Pangulo. Pag-akyat niya sa hagdan, nasalubong niya ang isang opisyal na dati niyang sinibak sa puwesto na si Kapitan Pedro Janolino, kumander ng Kawit Battalion, at isang matandang kaaway na minsan niyang binantaan na aarestuhin dahil sa pinapaboran ang awtonomiya ng Amerika na si Felipe Buencamino, ang ministro ng ugnayang panlabas at miyembro ng gabinete. Sinabi sa kanya na si Aguinaldo ay umalis sa San Isidro sa Nueva Ecija (talagang pumunta siya sa Bamban, Tarlac).

Galit na galit, tinanong ni Luna kung bakit hindi pa siya nasabihan na nakansela ang pagpupulong. Parehong nagpalitan ng maiinit na salita habang papalabas na siya. Sa plaza, isang shot ng rifle ang tumunog. Bumaba si Antonio Luna at nakita niya si Pedro Janolino na may hawak na itak, tinaga ni Pedro Janolino si Antonio Luna sa ulo at ang mga tauhan ni Janolino ay pinaputukan si Luna, habang ang iba ay sinimulang saksakin siya, kahit na sinubukan niyang tanggalin ang kanyang revolver sa isa sa kanyang mga umaatake. Nag-staggered siya sa plaza kung saan si Román at Rusca ay nagmamadali para tulungan siya, ngunit habang naghihiga siya, sila ay dinakip at binaril, kasama si Román na pinatay at si Rusca ay malubhang nasugatan. Si Luna ay nakatanggap ng higit sa 30 mga sugat, at binigkas ang “Mga Duwag!, Mga mamamatay tao!”

Pinaniniwalaang nawala kasabay ng pagpatay kina Heneral Luna at Koronel Roman ang telegrama. Pero noong taong 2018, lumitaw ang orihinal na kopya ng 7×12 pulgadang telegrama na ibinigay kay Heneral Luna. Natagpuan ang kopya ng telegrama sa kustodiya ng mga kasalukuyang kamag-anak ni Heneral Luna, at nagpasyang ipasubasta ang kopyang iyon sa halagang PhP 500,000. Nakasulat sa wikang Espanyol ang telegrama, at sinertipikahan itong awtentiko ng ilang mga historyador gaya ni Ambeth Ocampo, na sinabing isa ito sa apat na telegramang ibinigay kay Heneral Luna bago ito paslangin ng mga tauhan ni Pangulong Aguinaldo. Ito ang muling bumuhay sa mga haka-haka na ito ang patunay ng pagkakasangkot ni Pangulong Aguinaldo sa pataksil na kamatayan ni Heneral Luna.

***

SA mga samahan lalo na sa pangpolitika ay hindi nawawala ang ulupong na kadalasan ay sumasalakay kapag palapit na ang halalan. Nagsusulputan ang mga oportunista na ang tanging hangarin ay kumita. Wala sila pinipili tuklawin maisalba lang ang kanila sarili. Iyan ang nangyari sa PDP-LABAN.

Hindi na kami nagulat sa nangyari kay Manny Pacquiao na mistulang nakatikim ng malakas na suntok sa sintido nang magpatawag ng pulong ang PDP-LABAN upang hikayatin umano si Rodrigo Duterte na tumakbo bilang pangalawang pangulo.

Bilang acting president ng partido, natural lamang na magpuputak si Pacquiao na nagmistulang inagawan ng korona sa boksing ng referee na kinutsaba ng kalaban. Walang naawa kay Pacquiao sa madla. Alam nila na walang kakayahan humawak si Pacquaio na mamuno ng kahit TODA na samahan ng mga tricycle drivers.

Panahon na upang mapagtanto ni Pacquiao na hindi para sa kanya ang politika na pumasok sa kanyang ulo sa panahon ng kanyang katanyagan sa boksing. Pinagtatawanan lamang siya sa tuwing nagsasalita. Dapat niyang malaman na ginamit lang siya ng mga mapagsamantalang politiko na kaya siyang paikutin at pasakayin sa balat ng mane.

Hindi pa huli upang malaman niya kung saan niya ilalagay ang kanyang sarili. Sa tagal ng pagsamba niya sa tila bangag na pangulo, hindi maari na ihanay niya ang kaniyang sarili sa oposisyon. Hanggat hindi siya nagbabayad ng nararapat na buwis, walang maniniwala sa kanya. Hindi rin namin alam kung saan ang tamang kalalagyan niya. Ngunit sigurado kami na hindi sa balota. Itanong niya kay Jinkee.

***

Binabati ng pitak na ito si si Maris Hidalgo na nagdiriwang ng kanyang debut sa bansang France. Kasabay ng kaniyang pakikipaglaban ang pagbibigay ng ngiti sa aming mga labi.

***

Email:bootsfra@yahoo.com

The post Pekeng oposisyon appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pekeng oposisyon Pekeng oposisyon Reviewed by misfitgympal on Hunyo 06, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.