Facebook

MGA NAWALAN NG TRABAHO SA PATEROS INASISTEHAN NI GO

Sa hirap ng buhay dulot ng COVID-19 PANDEMIC na nagresulta sa pagkakatanggal sa trabaho ng maraming kabataang manggagawa sa bayan ng Pateros ay nagpadala ng mga pangkatulungan ang tanggapan ni Senator Christopher “Bong” Go sa koordinasyon ng iba’t ibang kaukulang ahensiya ng gobyerno.

Nitong June 3 ay may kabuuang 200 benepisaryo na binubuo ng mga batang manggagawang nawalan ng mga trabaho ang napagkalooban ng livelihood assistance mula sa Department of Labor and Employments sa pamamagitan ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantage/Displaced Workers (TUPAD) Program.

Bukod sa government assistance, ang grupo ni Sen. Go ay nagkaloob din ng mga pagkain, vitamins, masks at face shields sa mga benepisaryo; na ilan sa mga ito ay nabigyan ng mga bagong pares ng sapatos at ang ibang mga umaasa lamang sa public transportation ay binigyan ng bisekleta para eto na lamang ang kanilang gagamitin sa pagbibiyahe. Ang iba naman ay binigyan ng computer tablets na magagamit ng kanilang mga anak para sa online classes sa kani-kanilang mga bahay.

“Alam kong mahirap ang panahon ngayon, nasa gitna tayo ng pandemya. Magtulungan lang po tayo mga kababayan ko at malalampasan rin po natin ito. Kailangan din po disiplina at kooperasyon ng bawat Pilipino dito sa laban natin kontra COVID-19,” pahayag ni Go sa kaniyang video message.

Sa naturang aktibidad ay nagsidalo rin ang mga kinatawan ng iba’t ibang mga government agencies bilang bahagi sa panig ng national government at ng mga local partner para maasistehan ang low-income communities na nahaharap sa matindeng epekto ng pandemic.

Ang Department of Social Welfare and Development ay nagkaloob din ng financial assistance sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation program at ang Philippine Charity Sweepstakes Office ay namahagi rin ng relief goods sa mga benepisaryo.

Si Go bilang Chairman ng Senate Committee on Health ay nag-alok din ng asiste ang kaniyang tanggapan para sa mga nangangailangan ng medical care. Kailangan aniyang huminge ang mga ito ng government financial at medical assistance sa pamamagitan ng Malasakit Center sa Taguig-Pateros District Hospital.

Ang Malasakit Center ay one-stop shop para sa mga medical assistance program na maipagkakaloob ng mga ahensiya ng Department of Health, DSWD, Philippine Health Insurance Corporation at ng PCSO.

Ang Republic Act No. 11463 o ang Malasakit Centers Act of 2019 na inakdaan ni Go ay nilagdaan ito ni President Rodrigo Duterte noong December 2019.
Itong batas ay nag-aatas para sa pagpapatayo ng mga center sa bawat DOH run hospital sa buong bansa at sa Philippine General Hospital sa Manila.

Ang ibang public hospitals ay maaari ring magpatayo ng kanilang sariling Malasakit Centers na kinakailangang papasa sa standard set of criteria at matitiyak ang availability of funds para sa center’s operation.

Sa ngayon ay may 117 Malasakit Centers na sa buong bansa mula nang ilunsad ni Go ang programa noong February 2018 na ang panibagong binuksan nitong June 4 ay ang Philippine Orthopedic Center sa Quezon City.

Binigyang papuri ni Go ang iba’t ibang government officials sa pangunguna nina Representative Alan Peter Cayetano, Mayor Miguel Ponce III at Vice Mayor Gerald German na nagtulong-tulong para masolusyunan ang pangangailangan ng kanilang mga affected constituents.

“Mga kababayan ko diyan sa Pateros, ingat po kayo, magdasal tayo, magtulungan po tayo at magbayanihan po tayo. Tandaan po natin, minsan lang po tayo dadaan sa mundong ito. Kung ano pong kabutihan o tulong na puwede nating gawin sa ating kapwa Pilipino ay gawin na po natin ngayon, dahil hindi na po tayo babalik sa mundong ito. Kami po ni Pangulong Duterte ay patuloy na magseserbisyo sa inyong lahat. Para sa amin, ang serbisyo po sa tao, serbisyo po ‘yan sa Diyos,” pagpupunto ni Go.

The post MGA NAWALAN NG TRABAHO SA PATEROS INASISTEHAN NI GO appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
MGA NAWALAN NG TRABAHO SA PATEROS INASISTEHAN NI GO MGA NAWALAN NG TRABAHO SA PATEROS INASISTEHAN NI GO Reviewed by misfitgympal on Hunyo 06, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.