Facebook

Gutom kayang-kayang mapigil!

USO na naman ang mga kangaroo o trumpong kangkarot sa Kongreo at Senado.

Amoy na amoy na kasi ang eleksiyon kaya ang mga nasa oposisyon, pwedeng biglang tumalon sa tropa ng tandem nina Sara-Bongbong, Lacson-Sotto at Isko-Pacquiao.

O palista na kayo at pumila sa agos ng pondong pang-eleksiyon.

May tatalon tiyak na mga taga-oposisyon na gustong mag-amoy pawis upang iboto ng mga nanggigitata sa pawis. Pero ang tanong ay: May pera nga ba ang mga bayong nina Sara-Bongbong, Lacson-Sotto at Isko-Pacquiao, at handa ba silang gumastos?

E, paano ang Liberal ni VP Leni Robredo – na ang ilan ay nagwawala na dahil sa pabago-bago ng takbo ng isip nito kung tatakbong presidente o hindi sa 2022 election.

Baka si Sonny Trillanes, hahahaha!?

***

Hindi na uubra sa mga pinakawalang bagong agila ng pinagsanib na pwersa ng Manila International Container Port’s (MICP) Piers Inspection Division (PID), Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Enforcement and Security Service (ESS) at ilang kawani ng Formal Entry Division (FED) ang laro at galaw ng mga kumag na ismagler sa loob at labas ng Aduana.

Opo, ang dami nang kaygagandang natrabaho ang tandem nina PID chief Dr. Siegfred ‘Yeye’ Manaois at Asst. Chief Florentino Matias.

Kamakailan lamang ay nakasamam ang makikisig, magigilas na mga opisyal at tauhan ni Dr. Manaois ng 2.5 tons of illegally imported veterinary medicines na may halagang Php5 milyon.

Pero sa pagsusumikap ng team ni Yeye, sabi nga – dahil sa malaking banta sa ilang ilegal na negosyo ng mga kumag na mga ismagler – hayun at gumagamit na sila ng ilang kasabwat nila kuno at sinisiraan sila na bumalandra naman sa kanilang mga mukha.

Buti nga sa inyo!

***

Kada taon, 15 hanggang 20 milyong metriko tonelada (MT) ng bigas ang kinakain ng mga Filipino. Pangunahing pagkain kasi natin ay kanin. At dahil sa mabilis na paglobo ng ating populasyon, aakyat sa daan-daang milyong MT ng bigas ang kukunsumuhin natin, at upang may kanin sa bawat hapag ng pamilyang Pinoy, dapat na madagdagan ng 15% ang anihin sa ating mga palayan.

Pero sa harap ng ganitong banta ng pagkagutom, tulog na tulog ang mga opisyal natin sa agrikultura. Bakit pa magtatanim kung may mabibili namang bigas mula sa Vietnam,Thailand, sa United States at sa India. Ito ang dahilan kaya ayaw kumilos ang mga taga Department of Agriculture (DA).

Gamit ang hybrid varieties na binhi, ang mga magsasaka ng palay sa Nueva Ecija, Iloilo at sa Davao, umaani sila ng 22 to 30 MT kada isang ektarya ng tanim na palay. Kung totoo ang estatistika ng mga taga-DA, ibig sabihin, 3.5 milyong ektarya ang dapat na mataniman ng palay.

Kayang-kaya naman ng mga magsasaka natin na makapag-ani ng 10MT kada ektarya bawat taon, ito ay kung matapat na tutulong ang pamahalaan at ang lahat ng pribadong sektor.

Sinasabi pa, kung magagawang doblehin ang taunang 22 to 30 MT kada ektarya na inaani ng mga magtatanim ng palay sa NE ng iba pang probinsiyang nagtatanim ng palay — kaygandang pangarapin: muli, ang Pilipinas ay kayang maging rice exporter.

Ito nga ay kung ang 3.5 milyong ektarya ng palayan ay makapag-aani ng 22 to 30 MT ani sa isang ektarya bawat taon!

***

Pero mas madaling magsalita kaysa ito ay magawa. Sa kupad ng usad ng burokrasyang Pilipino, mananatiling malaking problema ang kagutuman sa ating bansa.

Dapat namang magpalabas agad ng isang executive order si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nagbabawal na gawing residential subdivision, golf courses, resorts o lugar para gawing export processing zones ang mayayamang lupang palayan. Dapat ding isama sa pagbabawal na ito ang mga lupang tinataniman ng mais at ng mga gulay at iba pang uri ng pagkain.

Ano naman ang dapat gawin ng sektor ng negosyo? Maglagay sila ng pera sa corporate farming. Kung magagawa ng 1000 malalaking korporasyon na bawat isa sa kanila ay magagawang magpagawa ng 500 ektaryang palayan, katumbas ito ng 500,000 ektarya na palay lamang ang itatanim. Mangyayari na lalawak ang lupang palayan sa 3 milyong ektarya.

Dapat din namang tukuyin agad ng gobyerno ang mga lugar na gagawing palayan, at kasabay nito (government owned and controlled corporation and financial institution, GOACCAFI) , pabilisin ang mga proyektong patubig.

***

Maaari ring iutos sa lahat ng korporasyon, kawanihan o opisinang nasa kontrol ng pamahalaan na magbigay ng isang sakong bigas kada buwan sa kanilang mga empleyado. Iyong matataas na uri ng bigas ang dapat na bilhin ng mga GOACCAFI upang ang bigas na pantulong ng National Food Authority ay makasapat naman sa mga kapos sa pera na sektor ng ating lipunan.

Kailangan din na ang malalaking pribadong korporasyon ay mag-ambag ng solusyon sa problema ng kagutuman: magbigay sila ng alawans sa pagkain ng mga kawani nila. Isa ito makabayang gawa na dapat nilang gawin upang makatulong sa bansa.

Sa mga maykaya at angat sa buhay, bilhin naman nila ang matataas na uri ng palay na itinatanim ng ating mga magsasaka ng palay. Sa gayon, magsisikap sila na ang ganitong uri ng palay ang itanim at anihin.
Sa pagtulong sa mga magsasaka, maaawat natin at mapapatay ang mitsa ng paghihimagsik at mawawala ang takot sa kagutuman at giyera sibil na nagbabantang dumurog sa Pilipinas.

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com.

The post Gutom kayang-kayang mapigil! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Gutom kayang-kayang mapigil! Gutom kayang-kayang mapigil! Reviewed by misfitgympal on Hunyo 06, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.