Facebook

13 B0NG GO BILLS, ISINABATAS NI PRRD

LABIS na pinasalamatan ni Senator Christopher “Bong” Go si Pangulong Rodrigo Duterte sa ginawang pagtibay sa labingtatlong panukala na magpapalakas sa kakayahan ng mga ospital at magbibigay ng dekalidad sa serbisyong kalusugan bilang ganap nang batas sa harap ng pandaigdigang krisis.

Bilang chairman ng Senate Committee on Health at nag-isponsor ng mga panukala sa Senado, ipinagdiinan ni Go na “hindi ako titigil na ipaglaban kung ano ang makakabuti sa ating mga kababayan, lalong-lalo na sa mga mahihirap nating mga kapatid. Kahit na anong hirap ang pagdaanan ko, basta kapakanan nila, ipaglalaban ko ito.”

Kabilang sa mga nilagdaang batas ay ang pagtatayo ng mga bagong medical facilities, karagdagang bed capacities at pagpapabuti sa kapabilidad ng mga ospital sa iba’t ibang lalawigan sa buong bansa.

Ang mga ito ay ang:

1. Republic Act (RA) No. 11559, otherwise known as An Act Increasing the Bed Capacity of the Naguilian District Hospital in the Municipality of Naguilan, Province of La Union;

2. R.A. No. 11562 or An Act Increasing the Bed Capacity of the Rosario District Hospital in the Municipality of Rosario, Province of La Union;

3. R.A. No. 11560 or An Act Increasing the Bed Capacity of the Sinait District Hospital in Sinait, Ilocos Sur;

4. R.A. No. 11564 or An Act Establishing a General Hospital in the City of Bacolod, Province of Negros Occidental to be known as the Bacolod City General Hospital;

5. R.A. No. 11563 or An Act Increasing the Bed Capacity of the Mayor Hilarion A. Ramiro Sr. Medical Center in the Province of Misamis Occidental;

6. R.A. No. 11565 or An Act Converting the Medina Extension Hospital in the Municipality of Medina, Province of Misamis Oriental into a General Hospital to be known as the First Misamis Oriental General Hospital;

7. R.A. No. 11566 or An Act Converting the Schistosomiasis Control and Research Hospital in Palo, Leyte into a General Hospital to be known as the Governor Benjamin T. Romualdez General Hospital and Schistosomiasis Center;

8. R.A. No. 11567 or An Act Renaming the Eastern Visayas Regional Medical Center in the City of Tacloban, Province of Leyte into the Eastern Visayas Medical Center;

9. R.A. No. 11568 or An Act Establishing a General Hospital in Barangay Lacaron, in the Municipality of Malita, Province of Davao Occidental to be known as the Davao Occidental General Hospital;

10. R.A. No. 11558 or An Act Establishing a General Hospital in the Municipality of Rosales, Province of Pangasinan to be known as the Conrado F. Estrella Regional Medical and Trauma Center;

11. R.A. No. 11561 or An Act Increasing the Bed Capacity of the East Avenue Medical Center in Brgy. Diliman, Quezon City;

12. R.A. No. 11557 or An Act Establishing a 300-bed Capacity Tertiary Training and General Hospital in Barangay Mauway, City of Mandaluyong to be known as the Senate President Neptali A. Gonzales General Hospital; and

13. R.A. No. 11556 or An Act Increasing the Bed Capacity of the lying-in clinic in the Municipality of Rizal, Province of Palawan.

Sa kanyang speech sa signing ceremony, binati ni Pangulong Duterte ang dalawang kapulungan ng Kongreso sa pagpapasa ng mga nasabing batas.

Tiniyak ng Chief Executive sa medical community na patuloy na makikipagtulungan ang kanyang administrasyon sa mga mambabatas at iba pang stakeholders upang matugunan ang kanilang concerns. Siniguro rin niya na maibibigay sa mga ospital ang mga kinakailangang gamit upang maayos na maipatupad ang kanilang tungkulin.

“Thirteen of these laws are health-related and are very crucial in strengthening the capacity of our health care system as we continue to overcome the current pandemic,” ayon kay Duterte.

“Indeed, the establishment of new (hospitals) would make quality medical services more accessible to our people, especially those in far-flung areas. Increasing the bed capacities of our existing public hospitals will likewise augment our inventory of hospital beds that we badly need as we deal with the pandemic,” idinagdag ng Pangulo.

Sa naturan ding seremonya, nilagdaan din ng Pangulo ang iba pang panukalang batas na sinuportahan ni Sen. Go, gaya ng pagko-convert sa Basilan State College upang maging Basilan State University, paghahati sa Bataan province sa tatlong distrito at pagre-renew ng prangkisa ng Baycomms Broadcasting Corporation.

The post 13 B0NG GO BILLS, ISINABATAS NI PRRD appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
13 B0NG GO BILLS, ISINABATAS NI PRRD 13 B0NG GO BILLS, ISINABATAS NI PRRD Reviewed by misfitgympal on Hunyo 25, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.