PORMAL na nagbukas sa publiko nitong Biyernes, June 25, ang Manila COVID-19 Field Hospital sa Burnham Green area ng Luneta Park kung saan mayroon agad itong 73 mga buena manong pasyente mula sa kabuuang 344-bed capacity.
Ang mga pasyenteng ito, ayon kay Manila Mayor Isko Moreno ay magmumula sa six city-owned hospitals at mga COVID patients na classified bilang mild to moderate cases.
Ang dahilan nito ayon kay Moreno ay upang i-declog ang mga regular city-run hospitals mula sa mga COVID cases upang makapag-focus naman sila sa mga serious o critical cases.
Ayon pa sa alkalde, ngayon na mawawala na ang mga mild to moderate cases sa mga regular hospitals, ang mga doctors, nurses at kawani ay magkakaroon ng mas mahabang oras at espasyo sa pag-aalaga sa mga residente ng lungsod na may ibang karamdaman.
Napuna ni Moreno, base na rin sa kanyang pagbabasa na ang COVID ay pang-apat lamang sa mga sakit na nakakamatay.
Ngayon na nag-o-operate na ang field hospital sa ilalim ng directorship ni Dr. Arlene Dominguez., ay muling umapela sa Moreno sa mga doctors, nurses at allied workers na magtatrabaho na laging maglagay ng ngiti sa kanilang mga mukha kahit na napapagod na sila.
Giit ng alkalde, madaling mairita ang mga taong may karamdaman at kung minsan ay wala sa lugar kaya nakasalalay sa mga nag-aalaga ang pang-unawa at pagkakaloob ng mahabang pasensya.
Isang simpleng ngiti, ayon kay Moreno ay sapat na upang mapakalma ang isang pasyente at mapayapa ang kanilang pag-aalala. (ANDI GARCIA)
The post 73 pasyente, buena mano sa Manila COVID-19 Field Hospital — Isko appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: