NAGTATAKA ako rito sa Department of Health (DoH) at sa mga nagpapatupad ng protocols kontra Covid-19 na Inter-Agency task Force (IATF). Sa halip kasi na pagbabakuna ang tutukan, ang pagsuot ng facemask at faceshield ang kanilang binibigyang diin. Yawa!
Mantakin mo kung magkano ang nagagastos ng bawat tao sa pagbili ng surgical facemask araw-araw. Kasi ang bisa ng facemask na ito ay ilang oras lang naman. Tapos required karin magsuot ng face shield. Eh magkano rin ito?
Ang Pilipinas nalang yata ang mandatory sa pagsuot ng face shield eh. Kasi sa ibang bansa kahit sa China kungsaan nadiskubre nagmula ang Covid-19 ay wala nang nagsusuot ng faceshield.
Sabi tuloy ng mga galit na netizens: “May kumikita dyan sa face shield. Hindi pa siguro ubos ang stocks nila kaya mandatory pa ang pagsuot ng face shield na nakakadu-ling.” Mismo!
Bakit kasi hindi pagbabakuna ang tutukan ng gobierno? Ano na ba ang nangyari sa paulit-ulit na inaanunsyo si-mula pa last year ni Pangulong Rody Duterte na bumili na sila ng 140 million doses ng bakuna para sa target na 70 milyong Pinoy?
Hanggang ngayon wala pa yatang 4 million doses ang dumating na nabiling bakuna ng gobierno eh?
Mabuti nalang at may mga dumating na donasyon mula China at Amerika. Kung wala, baka nasa 2 million palang ang bakunado sa atin? Mismo!
Sa huling ulat ng DoH, nasa 2.15 million palang ang fully vaccinated na Pinoy.
Sa bilang na ito, higit 500,000 rito’y mula sa Maynila. Bumili kasi ng sariling bakuna ang local government ng Maynila. Nasa 1 million na yata ngayon ang mga bakunado, kabilang ang mga nabigyan ng 1st dose.
Oo! Ibang klase itong si Yorme Kois. 25,000 hanggang 35,000 plus ang nababakunahan ng kanilang healthcare workers kada araw sa higit 20 vaccination sites sa lungsod.
Nitong Huwebes nga ay may dumating na namang 400,000 doses ng bakuna ang LGU Maynila. Ibig sabihin another 200,000 ang matuturukan, at sa sunod na dalawang buwan ay fully vaccinated na ang mga Manilenyo.
Ang Maynila ay may 2 million population na ngayon. Pero dahil maraming hindi taga-Maynila na nagpapabakuna sa lungsod ay higit 4 million doses ang kinailangan ng LGU. Lupet ni Yorme, noh?
Ito ang dapat tutukan ng national government. Maging totoo na kasi. Bumili na ng milyon milyong doses ng bakuna at ipamahagi sa mahihirap na LGUs, hindi iyong pag-pupursigi sa mamamayan na magbili ng face mask at face shield. Pukaw na mo!
Teka, ano ba ang efficacy nitong face shield? Pangharang daw sa talsik ng laway ng kaharap. Eh pag natuyo ang laway sa face shield at mahawakan ng nagsusuot nito at naikamot sa mata, ilong o bibig, eh ‘di nahawaan parin ng virus!
Again, makabubuti sa mayayamang LGUs na bumili nalang kayo ng sariling bakuna para sa inyong constituents. Huwag nang umasa pa sa national government, drawing lang ‘yun. Paasa! Baka nga tapos na ang termino nila sa 2022 ay wala parin ang order nilang 140 million doses daw.
***
May nasagap tayong A1 info: Kakasa ngang presidente ang guapo at batang alkalde.
Opisyal niyang iaanunsyo ang kanyang pagtakbo sa sunod na buwan. Abangan!
The post Bakuna ang tutukan, ‘wag facemask/face shield appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: