Facebook

Bata nanghabol ng manok natuhog sa bakal, patay

NAMATAY ang 12- anyos na batang lalaki nang matuhog sa bakal sa loob ng isang construction site sa bayan ng El Salvador, Misamis Oriental habang hinahabol ang kanyang alagang manok nitong Huwebes.

Posible umanong nawalan ng balanse ang bata at nahulog sa hukay ng itinatayong gusali sa likod ng kanilang bahay.

Sa ilalim ng hukay, nakitang nakatuhog sa bakal ang walang buhay na biktima.

Ayon pa sa ulat, walang maayos na warning sign sa naturang construction site.

The post Bata nanghabol ng manok natuhog sa bakal, patay appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bata nanghabol ng manok natuhog sa bakal, patay Bata nanghabol ng manok natuhog sa bakal, patay Reviewed by misfitgympal on Hunyo 25, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.