NASAGIP ng mga ahente ng National Bureau of Investigation- Special Task Force (NBI-STF) ang 14 kababaihan at apat na indibidwal na sangkot sa human trafficking sa Lipa City, Batangas.
Kinilala ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Director Eric B. Distor ang mga naaresto na sina Wilson Ebreo, Alora Almoguera, June Derilo at Robin Señar.
Ayon sa NBI, ang operasyon ay bunsod ng impormasyon na ibinigay ng Destiny Rescue Pilipinas Inc. (Destiny), isang non-government organization (NGO) na bahagi sa paglaban sa human trafficking.
Ayon sa ulat, sangkot ang mga suspek sa human trafficking ng mga kababaihan, menor de edad, at maging ang kanilang sariling menor de edad na anak.
Inaalok ng mga suspek ng P3,500.00 hanggang P6,000.00 ang mga babae.
Sa mga nasagip na biktima, tatlo rito ang menor de edad. Kasama rin sa nasagip ang siyam na buwan gulang na sanggol, kasama ang kanyang ina sa mga biktima.
The post 4 timbog sa human trafficking sa Lipa City appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: