Facebook

2 Cafgu, 1 sibilyan patay sa ambush sa Lanao del Sur

NASAWI ang dalawang CAFGUs at isang sibilyan nang tambangan sa Malabang, Lanao del Sur.

Kinilala ang mga nasawi na sina Hanafi Barager at Venhar Macapodi, kapwa CAFGU na nakatira sa Barangay Tubok, Malabang, Lanao Del Sur.

Patay rin ang driver ng motorsiklo na si Mando Interino, residente ng Barangay Poblacion, Balabagan LDS.

Habang sugatan ang isang Mastor Gani, residente ng Brgy. Barurao, Balabagan.

Ayon sa ulat ng Balabagan PNP, sakay ang mga biktima ng motorsiklo mula sa bayan ng Balabagan patungong Malabang. Pagsapit nila sa Barangay Molimok ay tinambangan ito ng grupo ni alyas Jamil gamit ang M14 at M16 armalite rifles.

Patay on the spot ang tatlo sa mga biktima, habang naisugod sa pagamutan si Gani.

Ang grupo ni Jamil ay miyembro ng isang armed lawless group sa LDS.

The post 2 Cafgu, 1 sibilyan patay sa ambush sa Lanao del Sur appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2 Cafgu, 1 sibilyan patay sa ambush sa Lanao del Sur 2 Cafgu, 1 sibilyan patay sa ambush sa Lanao del Sur Reviewed by misfitgympal on Hunyo 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.