Facebook

Walisin ang ‘troll armies’ sa Facebook

AT LAST!!! nakagawa rin ng makabuluhang aksyon si Senate President Tito Sotto, ang pangatlong pinakamataas na opisyal ng Republika ng Pilipinas.

Ito ay ang pag-abiso niya sa higanteng social media na Facebook na tanggalin o i-block ang “troll farms”, mga pekeng account/profile, hanggang matapos ang elek-syon. Dahil bababuyin lang ng mga demonyong ito ang mga kritiko o kalaban ng administrasyon sa darating na halalan 2022.

Napakatatapang kasi nitong trolls umatake dahil wala silang pagkakilanlan, nakatago ang pagkatao sa social media. Mabuti sana kung totoo ang kanilang mga sinasabi eh puros kasinungalingan, fake news, mga gawa-gawang istorya para sirain ang mga kalaban ng kanilang amo.

Ang pahayag na ito ni Sotto ay kasunod ng pagbunyag ni Sen. Ping Lacson na mayroong isang undersecretary, pasueldo ng mamamayan, ang nagsimula nang mag-organisa ng troll farms. Dalawa raw sa bawat probinsiya. Ang budget? Galing sa gobierno, taxpayers money!

Kung sino mang Usec ito, pukaw namo!!!

Kung inyong natatandaan, napabalita noon after 2016 election na si Pangulong Rody Duterte ay nag-employ ng libong “troll armies” na tumulong sa kanyang kampanya at sumisira sa kanyang mga kalaban/kritiko. Ang trolls na ito ay tinanggal na ng Facebook sa pamamagitan ng kanilang fact-checkers.

Ilan nga sa mga account na sinuspinde/tinanggal ng Facebook ay ang kay Asec. Moca Uson, ang dating tipster ng kalibugan na sumusueldo ngayon ng halos P150K kada buwan nang walang ginagawa; Usec Lorraine Baduy ng PCOO at NTF-ELCAC dahil sa pag-post ng mga paninira sa Makabayan Bloc sa Kongreso; at mga baklang blogger na iba-iba ang pangalan.

Dapat lang tanggalin ng Facebook ang mga pekeng account na peste sa kanilang platform. Tuldukan!

***

Lacson, Pacquiao lipat sa NPC?

MATUNOG ang balitang lilipat o lumipat na sa partidong Nationalist People’s Coalition (NPC) sina Senador Manny Pacquiao at Sen. Lacson.

Si Pacquiao ang presidente ng PDP-Laban na partido ni Pangulong Rody Duterte.

Nagkaroon ng hindi magandang ugnayan si Pacquiao at ilang opisyal ng PDP-Laban nang maglabas ng mani-pesto sina Energy Sec. Al Cusi at Atty. Melvin Matibag na naghihikayat kay Pres. Duterte na tumakbong Vice Presidente at siya na mismo ang pipili ng kanyang presidente sa darating na halalan nang ‘di alam ng Pambansang Kamao.

Lalo pang uminit si Pacquiao nang sabihan siya ni Pres. Duterte na mag-aral muna ng foreign policy bago magsa-lita tungkol sa West Philippine Sea.

Si Pacquiao ay matagal nang may planong tumakbo sa pagka-pangulo sa 2022.

Isa nga raw sa sinabihan ni Pacquiao na tatakbo siyang pangulo ay si Lacson.

Si Lacson ay isang independent at nagbabalak din tumakbong presidente.

Binunyag ni Sen. Sotto na si Lacson ang napili nilang maging banner ng NPC ticket para sa 2022. Siya naman ang VP.

Nag-uusap na raw sina Pacquiao, Lacson at Sotto.

Sa kabilang banda, sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na bahagi pa ng PDP-Laban si Pacquiao.

The post Walisin ang ‘troll armies’ sa Facebook appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Walisin ang ‘troll armies’ sa Facebook Walisin ang ‘troll armies’ sa Facebook Reviewed by misfitgympal on Hunyo 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.