Facebook

Dumarami mga bakunado, lalo namang humihigpit pagpapatupad ng mga health protocol

SA dami ng mga kababayan nating nabakunahan na ay mas lalo naman yatang humihigpit ang ating gobyerno sa pagpapatupad ng mga health protocol na dapat sana ay luwagan na ng konti.

Tila hindi hulma o tugma ang kalakarang ginagawa ng administrasyon na dapat ay nagluluwag na maski papaano sa mga health protocol base sa mga taong nabakunahan na.

Iyan nga ang rason kung kaya’t minamadali na ang pagpabakuna para sa lahat ng Pinoy dahil ito anila ang malakas na proteksiyon laban sa virus na dulot ng covid19.

Lumalabas kasing balewala rin ang mga bakunang tinurok sa ating katawan kung mananatili pa rin ang takot at pangamba sa mga mamamayan dahil sa mga health protocol na patuloy pa ring pina-patupad ng ating gobyerno bakunado man o hindi.

Halos mahigit isang taon na ang pandemic na ito nguni’t walang pinagbago sa pagsunod sa mga health protocol gayong nandito na ang mga bakuna na sinasabi nilang lunas o dili kaya’y proteksiyon laban sa virus.

Sa halip na magluwag na maski na unti-unti ay lalo pang hinigpitan sa mga health protocol ang mamamayan sa kabila ng pagdating ng mga bakuna.

Hindi kaya masyadong over-protective na ang ating gobyerno sa mga mamamayan? Pamimihasain na lang bang palagi na sumunod sa mga health prorocol ang ating mga kababayan na simula pa lang ay iyon at iyon pa rin.

Kailan kaya nila malalaman kung talagang epektibo ang mga bakunang tinurok sa kanilang mga katawan gayong wala namang ibang nababago sa kanilang pina-patupad.

Mantakin niyong ultimo face shield ay patuloy pa ring pina-pagamit sa mga kababayan natin gayong may face mask pa rin naman na obligadong isuot saan man at ninoman.

Hanggang kailan kaya mababalot ng takot at pangamba ang taumbayan sa kabila ng pagdating ng mga bakuna na galing pa sa kung saan-saan bansa na hanggang sa ngayon ay di pa rin malaman kung epektibo o hindi dahil nga sa iyon pa rin mga health protocol na sinimulan mula pa noong isang taon ang siya pa rin pinapatupad hanggang sa ngayon bakunado man o hindi…

No guts, no glory dahil kailangan nating makipagsapalaran sa anumang situwasyon dumating sa ating buhay. Iwaksi muna natin ang takot at pangamba para sa buong bansa.

Hindi kasi tayo aasenso at hindi rin aandar ang ating ekonomiya kung mananatiling anino natin ang takot na hindi malayong maka-sanayan na rin natin.

There’s no harm in trying at dapat natin isipin na hindi bibigay sa atin ng Diyos ang anuman kundi natin makakayanan.

Let go, let God go… go… go… na tayo at manatiling positibo sa lahat ng situwasyon at aspeto sa ating buhay ang dumating.

Huwag nating spoildin at nenein ang virus na ito dahil siguradong igo-gope tayo nito. Nasa paniniwala rin natin kung papaano natin malalagpasan at mapapag-tagumpayan ating kasalukuyang pinagdadaanan. Kaya natin ito!!!

The post Dumarami mga bakunado, lalo namang humihigpit pagpapatupad ng mga health protocol appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Dumarami mga bakunado, lalo namang humihigpit pagpapatupad ng mga health protocol Dumarami mga bakunado, lalo namang humihigpit pagpapatupad ng mga health protocol Reviewed by misfitgympal on Hunyo 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.