Facebook

2 kidnap victims pinatay sa Quezon

PATAY ang dalawang hindi pa nakikilalang indibidwal nang pagbabarilin habang nakatali ang kanilang mga kamay Barangay Pulo, San Antonio, Quezon.

Ang mga biktima tinatayang nasa 45 hanggang 50 anyos at 34 hanggang 37 anyos.

Ayon sa Quezon Police Provincial Office, pinagbabaril nalang ng mga hindi pa nakikilalang mga salarin ang mga biktima sa nasabing lugar.

Sa report, nagtamo ng mga tama ng baril ang mga biktima sa ibat-ibang bahagi ng kanilang katawan.

Pinaniniwalaan naman ng mga otoridad na kinidnap ang mga biktima at dinala sa nasabing lugar at dito pinagbabaril.

Narekober pa sa pinangyarihan ng krimen ang apat na basyo ng bala ng 5.56mm na baril.

The post 2 kidnap victims pinatay sa Quezon appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2 kidnap victims pinatay sa Quezon 2 kidnap victims pinatay sa Quezon Reviewed by misfitgympal on Hunyo 24, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.