BINASURA ng isang korte sa Makati City ang ‘illegal drug’ case na isinampa laban kay FlipTop rapper Loonie at sa tatlong iba pa dahil sa kakulangan ng testigo sa pag-aresto rito sa isang buy-bust operation.
Pinagbigyan ni Judge Gina Bibat-Palamos ng RTC Branch 64 ang inihaing ‘demurrer to evidence’ ng kampo ni Loonie, Marlon Perroramas sa tunay na buhay; kanyang kapatid na si Idyll Liza at sa dalawa nilang staff.
Sa inilabas niyang resolusyon sa kaso na may petsang June 22, sinabi ni Judge Bibat-Palamos na hindi nasunod ang tinatawag na ‘chain of custody’ rule sa kaso.
“While it is true that a buy-bust operation is a legally effective and proven procedure, sanctioned by the law, for apprehending drug peddlers and distributors, the law nevertheless also requires strict compliance with procedures laid down by it to ensure that rights are safeguarded,” ayon sa korte.
Nabatid na walang elected official at media representative ang nakasaksi sa naturang buy bust operation noong Setyembre 18, 2019 kaya’t hindi nasunod ang nakasaad sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Nakumpiskahan sila diumano ng P100,000 halaga ng kush o high-grade marijuana.
Noong Enero 2020, nagpiyansa ng P2 milyon si Loonie at higit P500,000 naman sa kanyang road manager na si David Rizon.
Samantala, sa kanyang social media post, sinabi ni Loonie na kinokonsulta na nila ang kanilang mga abogado para sa opsyon nilang sampahan ng mga kinauukulang kaso ang sinasabi nilang nagtanim sa kanila ng droga.
The post Pagtutulak ng droga vs FlipTop rappe ibinasura ng korte, reresbak ng kaso sa mga pulis appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: