Facebook

Vlogger nanira at nagmura kay Isko, timbog

ARESTADO ang isang kilalang ‘vlogger’ na nahaharap sa kasong three counts ng libel sa isinagawang operasyon ng Manila Police District (MPD) sa Baguio City, Benguet.

Kinilala ang inaresto na si Niño Barzaga, 43, binata, vlogger, ng No. 33 Hamada Road, Brgy. Lourdes Ext., Baguio City.

Sa report ng MPD-Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) sa pamumuno ni P/Lt.Col. Rosalino Ibay Jr., bitbit nila ang warrant of arrest na inisyu ni Hon. Trese D. Wenceslo, Presiding Judge, RTC Branch 28, Cabanatuan nang arestuhin ang suspek.

Ayon sa ulat, gumawa si Barzaga ng isang ‘vlog’ kung saan anu-anong masasakit na salita at pagmumura ang sinabi nito patungkol kay Manila Mayor Isko Moreno.

Agad na nagsagawa ng operasyon ang SMaRT sa pamumuno ni Lt.Col. Ibay at P/Maj. Edward Samonte katuwang ang MPD-DID, DSOU at Baguio Police Station-3, kung saan nagpanggap ang isa sa mga pulis at tumawag sa suspek at sinabi na nanalo ito ng isang kaban ng bigas.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng SMaRT si Barzaga kung saan maaari itong makapaglagak ng piyansa na may halagang P10,000 kada Libel case na kanyang kinakaharap.(Jocelyn Domenden)

The post Vlogger nanira at nagmura kay Isko, timbog appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Vlogger nanira at nagmura kay Isko, timbog Vlogger nanira at nagmura kay Isko, timbog Reviewed by misfitgympal on Hunyo 24, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.