Facebook

2 lalaki nag-aayos ng patubig sa bukid natusta sa kidlat

NASAWI ang dalawang magsasaka nang tamaan ng kidlat habang nag-aayos ng patubig sa gitna ng bukid sa San Fabian, Pangasinan. Ang isang biktima ay nakapag-video pa ilang oras bago maganap ang trahediya.

Kinilala ang mga nasawi na sina Fernando Guntang, 20 anyos; at Jeric Soriano, 25.
Sa ulat, nagtungo sa bukid ang mga biktima kasama ang dalawang iba pa para ayusin ang patubig sa Barangay Angio.

Ayon sa report, nagtayo ang mga biktima ng masisilungan sa gitna ng bukid na yero ang bubungan, at tanging ito lang ang mataas na bagay sa lugar dahil wala nang ibang puno.

Bago ang pagtama ng kidlat, nakuhanan pa ng video si Guntang sa lugar.

Pero si Soriano ang may hawak ng cellphone nang tumama ang kidlat at pinaka-napuruhan.

“Accordingly, yung may cellphone na ito, hawak-hawak niya yung cellphone. Then nung ibinulsa, biglang kumidlat at siya yung talagang napuruhan,” ayon kay Police Major Ramil Mendioro, hepe ng San Fabian Police.

Sabi naman ni Ronnie Guntang, ama ni Fernando, nagkaroon ng tama ng kidlat sa hita si Soriano.

“Nawasak yung short niya pati damit niya. Pagkatapos parang naguhitan na ganiyang yung sa katawan,” kuwento nito.

Payo ng mga awtoridad, ibayong pag-iingat at iwasang lumabas kapag may mga pagkulog at pagkidlat.

The post 2 lalaki nag-aayos ng patubig sa bukid natusta sa kidlat appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2 lalaki nag-aayos ng patubig sa bukid natusta sa kidlat 2 lalaki nag-aayos ng patubig sa bukid natusta sa kidlat Reviewed by misfitgympal on Hunyo 10, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.