Facebook

P2.7m shabu nasabat sa Nigerian at Pinoy sa Makati

ARESTADO ang dalawang drug personalities sa ikinasang buy bust operation ng mga tauhan ng SDEU, Makati City Police Station sa Kalayaan Avenue, Barangay West Rembo, Makati City nitong Huwebes.

Kinilala ang mga nadakip na sina Lucky Chinwe Ugboaga alias Negro, isang Nigerian national; at Rowena Brojas Reyes alias Buntis, kapwa residente ng Dasmariñas, Cavite.

Sa report, 1:30 ng madaling araw nang madakip ng ang dalawa sa Kalayaan Avenue.

Nasamsam sa mga ito ang 400 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P2,720,000.00 at kinumpiska ang sinasakyan nilang Toyota Altis. (Gaynor Bonilla)

The post P2.7m shabu nasabat sa Nigerian at Pinoy sa Makati appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
P2.7m shabu nasabat sa Nigerian at Pinoy sa Makati P2.7m shabu nasabat sa Nigerian at Pinoy sa Makati Reviewed by misfitgympal on Hunyo 10, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.