Facebook

4 Tulak timbog sa buy bust sa Marikina city

ARESTADO ang apat na umano’y sangkot sa pagtutulak ng iligal na droga sa anti-illegal drugs operation ng pulisya sa Barangay Barangka, Marikina City, Miyerkules ng hapon.

Kinilala ni Police Major Fernildo de Castro, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Marikina PNP, ang mga nadakip na sina Kristopher Bacho, 28 anyos; Antonio Moncada; Joseph Latin, 36; at Katrina Villegas, 26; pawang nakatira sa A. Bonifacio Avenue, Bgy. Barangka.

Nasakote ang mga ito bandang 5:00 ng hapon nang ng bentahan ng droga ang asset ng pulisya sa may A. Bonifacio Ave.. Nakuha sa kanilang posisyon ang ilang transparent plastic sachet ng shabu na nasa 17 gramo at nagkakahalaga ng P115, 600.00. (Edwin Moreno)

The post 4 Tulak timbog sa buy bust sa Marikina city appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
4 Tulak timbog sa buy bust sa Marikina city 4 Tulak timbog sa buy bust sa Marikina city Reviewed by misfitgympal on Hunyo 10, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.