SA pagsisimula ng roll out ng libreng checkup at diagnostic examinations sa buong probinsya ng Benguet, siguradong malaking tulong ito sa mga mamamayan nito.
Kaya pinagpapasalamat ng mga mamamayan ng Benguet na naging “care taker” ng probinsya si Act-CIS Rep. Eric Yap na puspusan ang aruga at pagmamahal sa kanila.
“Uunahin natin ang Barangay Health Workers (BHW) at barangay nutrition scholarship (BNS) na umiikot sa probinsya para siguraduhin na ligtas ang ating mga komunidad,” pahayag ni Rep. Yap.
Matatandaan na mula ng maging “caretaker” si Rep. Yap ng Benguet, naging sunod sunod ang programa nito na malaking tulong sa pag-laban sa Pandemya.
Kamakailan lang, namahagi ito ng bigas maging sa ibang munisipalidad upang patuloy na makatulong na mas gumaan ang buhay ng mga mamamayan ng Benguet.
Layunin nina Rep. Eric Yap at gayundin ni Gov. Melchor Diclas na gawing ligtas at protektado ang lahat ng residente ng lalawigan.
The post Rep. Eric Yap, pinuno ng aruga at pagmamahal ang Benguet appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: