Facebook

Doktora at utol ninakawan ng P1.6m ng kasambahay

PINAGHAHANAP ngayon ang isang kasambahay na tumangay ng P1.6 million halaga ng alahas sa kanyang among doktor sa Caloocan City.

Ayon kay Dr. Virginia ‘Gina’ delos Reyes, mag-iisang linggo pa lamang sa kanila bilang kasambahay si Annalyn Montemayor Tiglao na residente ng Caloocan City.

Sinabi ni Delos Reyes na nasa P100,000 ang natangay na alahas na kanyang pag-aari, samantalang P1.5 milyon naman ang halaga ng mga nawala sa kanyang kapatid na kasalukuyang nasa ibang bansa.

Ayon sa salaysay ng doktora, pag-uwi niya noong Lunes, napansin niyang wala na ang kanyang kasambahay sa kanilang tahanan. At masama ang naging kutob nito.Nang tingnan nito ang lagayan ng kanilang alahas ay ay wala na ito sa lugar.

Agad na dumulog ang duktora sa Quezon City Police District Masambong Police Station para i-report ang pangyayari.

Nanawagan si Dra. Delos Reyes ng tulong sa pulisya na mahuli ang naturang kasambahay upang hindi na ito makapambiktima ng iba pa.

The post Doktora at utol ninakawan ng P1.6m ng kasambahay appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Doktora at utol ninakawan ng P1.6m ng kasambahay Doktora at utol ninakawan ng P1.6m ng kasambahay Reviewed by misfitgympal on Hunyo 10, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.