Facebook

Dinukot ng NPA nahukay na kalansay ng militar

KALANSAY na nang mahukay ang dating miyembro ng New People’s Army (NPA) na dinukot ng kanyang mga kasamahan sa Sitio Birao, Barangay Hacienda Intal, Baggao, Cagayan.

Sa report ng 5th Infantry Division ng Philippine Army na nakabase sa Gamu, Isabela, ang nahukay na kalansay at nakilalang si Vincent Cusipag alyas “MJ”, residente sa nasabing lugar.

Ayon sa militar, kinumpirma ni Christina Samoy, lola ng biktima, na ang nahukay ng mga pinagsanib na puwersa ng Baggao Police, 501st Infantry Brigade at 77th Infantry Battalion ng Philippine Army ay ang kanyang apo na si Vincent dahil sa suot na damit at bracelet.

Napag-alaman na noong May 2019 nang tangayin ng limang rebeldeng NPA sa pangunguna ng isang alias “Andy” ang biktima sa kabila ng kanyang pagmamakaawa na bigyan siya ng pagkakataon na magbagong buhay.

The post Dinukot ng NPA nahukay na kalansay ng militar appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Dinukot ng NPA nahukay na kalansay ng militar Dinukot ng NPA nahukay na kalansay ng militar Reviewed by misfitgympal on Hunyo 10, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.