Facebook

35,572 VACCINEES SA LOOB NG 1 ARAW — ISKO

ITO ang natutuwang direktiba na ipinalabas ni Manila Mayor Isko Moreno sa lahat ng vaccinating teams ng lungsod, matapos na burahin muli ang sariling record sa dami ng nabakunahan sa loob ng isang araw nang makapagtala ito ng panibagong all time high record na 35,572 na nabakunahan noong Martes, June 22, isang araw matapos na ibalik ang ‘open policy’ para sa mga walk-ins.

Ayon kay Moreno, hindi siya makapaniwala na ang bilang ng mga nabakunahan ay umabot na sa mahigit 35,000 sa isang buong araw na operasyon sa may 22 vaccination sites sa buong lungsod na nagsimula ng alas-6 ng umaga at natapos ng alas-8 ng gabi.

Kabilang sa mga vaccination sites ang ang public schools, covered courts, shopping malls kung saan binakunahan ang mga nabibilang sa kategoryang A1, A2, A3, A4 at A5.

Ito ay ang mga medical frontliners, senior citizens, mga may comorbidities na edad 18 hanggang 59, economic drivers at mga indigent.

Pinuri at pinasalamatan ni Moreno ang miyembro ng vaccinating teams na pinangungunahan ni Vice Mayor Honey Lacuna at Manila Health Department chief Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan at lahat ng mga kawani na kabilang sa operasyon tulad ng encoders, vaccinators at pati na ang nagmamantina ng kaayusan sa lugar. Ayon pa kay Moreno, kapag ganito kabilis at kadami ang nababakunahan ay malamang na makamit na ng Maynila ang herd immunity sa Setyembre.

Ang pangyayaring ito, ayon sa alkalde ay isang patunay na tama ang desisyon na alisin na ang scheduling system at ibalik ang mas epektibong ‘open policy’ kung saan pinapayagan na makapagpabakuna ang mga walk-ins na nakapagrehistro na, sa kabila na hindi pa nila schedule.

Muli ay nanawagan ang alkalde sa lahat na samantalahin na ang libreng bakuna.

“Kung saan kayo komportable or malapit, dun kayo. Kaya dinadamihan namin ang site. What matters is you decided to get vaccinated and get protected.”

Matatandaan na noong Lunes ay ipinatupad ng alkalde ang ‘no walk-in policy’ kung saan tanging ang mga naka-schedule nang araw na iyon lamang ang babakunahan at upang mapagbigyan ang reklamo sa mahabang pila.

Pero pumalpak ang ‘no walk-in policy’ gaya na rin ng ulat ni Lacuna na wala pang 5,000 ang nagpabakuna mula sa 28,000 na pinadalhan ng txt messages at naka-schedule na babakunahan nang araw na iyon.

Mahigpit na binantayan ni Moreno ang unang araw ng pagpapatupad ng ‘no walk-in policy at dahil sa hindi ito epektibo bunga ng napakababang bilang ng mga sumipot sa vaccination sites ay inalis ang pinaiiral na polisiya. Personal ding nakita ng alkalde ang mga bakanteng silya at ang mga nakatayo sa pilahan na mga walk-ins at umaasang mababakunahan. (ANDI GARCIA)

The post 35,572 VACCINEES SA LOOB NG 1 ARAW — ISKO appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
35,572 VACCINEES SA LOOB NG 1 ARAW — ISKO 35,572 VACCINEES SA LOOB NG 1 ARAW — ISKO Reviewed by misfitgympal on Hunyo 23, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.