Facebook

Mga ayaw magpabakuna nataranta!

Nangingite at napapailing na lang ako sa sitwasyon ng ating bansa sa pagharap sa COVID-19 PANDEMIC na ang gobyerno natin ay naggigiit na dapat ay magpabakuna ang lahat; subalit, hinde tinatalima ng maraming mamamayan.., kaya nagbanta tuloy si PRESIDENT RODRIGO DUTERTE nitong nakaraang Lunes na ipaaaresto niya ang mga ayaw magpabakuna.

Hayun, kinabukasan nataranta ang mga mamamayang ayaw magpabakuna lalo na sa METRO MANILA.., kaya marami sa mga nagdududa sa COVID VACCINES ang nabahala at nagsitungo na rin sila kinabukasan (Martes) sa.mga VACCINATION AREA at pumila para sa pagpapabakuna.

Yan ang nasaklap sa mga karaniwan nating mamamayan na kapag nagsalita o nagbanta si PRES. DUTERTE ay natataranta agad.., gayong may mga batas tayong umiiral na dapat pasakop ang lahat mula sa PRESIDENT hanggang sa karaniwang mamamayan.

Sa kasalukuyan ay walang batas patungkol sa pag-aresto sa mga ayaw magpabakuna dahil mayroon tayong umiiral na karapatang-pantao na karapatan ng sinuman ang mamili para sa kapakanan ng kaniyang sarili partikular na sa pangkalusugan.

Mismong mga MEDICAL EXPERT at ang GOVERNMENT OFFICIALS natin ang nagpapahayag na “TRIAL STAGE” pa lamang tayo ngayon sa pagtuturok ng mga bakunang pangsugpo ng corona virus.

Ang mga tumatanggi sa pagpapabakuna sa ngayon ay sila ang mga MATATALINONG MAMAMAYAN…, dahil ayaw nilang isakripisyo ang sarili nilang katawan sa peligrong idudulot ng mga eksperimentong ginagawa ngayon ng iba’t ibang mga VACCINE MANUFACTURER katuwang ang iba’t-ibang GOVERNMENT AGENCIES para mapapapayag ang lahat ng mamamayan na magpabakuna.

Ika nga.., PRE-MATURE o MAAGA pa para sabihin ng mga GOVERNMENT OFFICIAL na epektibo ang mga bakunang ginagamit ngayon dahil wala pang taon ang lumilipas mula sa mga nabakunahan para masabi ngang epektibo o palpak ang bakunang naiturok sa mga tao…, at sa katunayan ay may mga namatay na sa mga nagpabakuna matapos makumpleto nila ang 2x vaccination.

Kung epektibo ang mga bakuna tulad ng mga ginagamit ngayon na SINOVAC, ASTRA ZENICA, PFIZER at iba pang mga brand e hinde ba sasagi sa inyong isipan na ang dapat magtiwala ay mismong mga nakaimbento at mga nagmamanupaktura ng bakuna ang unang dapat na magpapaturok sa kanilang sarili?

Kung proven ang bakuna ay siguradong ang mga nakaimbento ang unang-unang magpapaturok sa kanilang mga sarili sa harap ng mga media bilang pagpapatunay para siguradong hinde na sila tatalaban ng anumang virus at mapapaniwala ang tao na proven safe ang kanilang naimbentong bakuna.., pero bakit hinde nila ginagawa? Kasi.., HUMAN TRIALS pa lamang at wala pang katiyakan sa bisa na palilipasin pa ang panahon o mga taon para makita kung ano-ano ang magiging epekto sa mga taong nabakunahan bago makagawa ng MEDICAL CONCLUSION ang mga MEDICAL EXPERT kung ano-anong mga brand ng bakuna ang safe o angkop sa mga tao bilang proteksiyon laban sa COVID-19.

Kaya imposibleng maipatupad ni PRESIDENT DUTERTE ang kaniyang banta na ipaaaresto at ipakukulong ang mga ayaw magpabakuna

“Para mapatupad yan, kinakailangan ng batas [For that to be implemented, a law must be passed]. Do not take him literally. He was just saying, go to other jurisdiction because in the Philippines, we want our people to be vaccinated,” pahayag ni Roque sa mga mamamahayag.

Maging ang naging litanya ni PRES. DUTERTE na magsialis sa PILIPINAS ang mga ayaw magpabakuna ay hinde niya magagawa dahil wala siyang kapangyarihan sa usaping iyan.., maliban na lang kung ipaiiral ang DICTATORIAL GOVERNMENT o COMMUNISM tulad sa form of government ni NORTH KOREA LEADER KIM JONG UN ay doon lamang siya magkakaroon ng POWER na ipagawa anuman ang naisin niya.

Kaya, ang mga taong ayaw magpabakuna ay ipinaiiral lamang nila ang matalinong pagpapasiya sa kanilang pansariling kalusugan na ayaw isalang sa peligro ang kanilang buhay sa idudulot ng bakuna.

SUMASALUDO ang ARYA sa mga taong nagpapakatalino sa pagpapasiyang ayaw munang magpabakuna habang nasa TRIAL STAGE pa lamang ang mga pagpapabakuna…, at SALUDO rin ang ARYA sa lahat ng mga nakipagpartisipa sa pagpapabakuna dahil nilakasan nila ang kanilang loob upang maging bahagi ng HUMAN VACCINE EXPERIMENTATIONS!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.

The post Mga ayaw magpabakuna nataranta! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mga ayaw magpabakuna nataranta! Mga ayaw magpabakuna nataranta! Reviewed by misfitgympal on Hunyo 23, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.