Facebook

ARAW NG MAYNILA RACING FESTIVAL BABALIK

MULING aarangkada ang Araw ng Maynila racing festival sa Manila Jockey Club (San Lazaro)sa Carmona,Cavite ngayong Huwebes June 24,2021 na may siyam na trophy races at may nakatayang cash prize at trophies sa mananalong horse owner, at medalya sa mananalong jockeys at trainers.

Ang araw ng Maynila races, ang inaabangan at pinakamasaya na araw ng karera na naka kalendaryo sa horse racing industry, ay babalik mula sa isang taon na pagliban ay kaloob ni Manila Tondo congressman Manny Lopez.

“Taon-taon, isa sa pinaka-malaking paraan ng ating pag gunita sa Araw ng Maynila ay ang pagdaraos ng Araw ng Maynila racing festival. Noon, kahit hindi natatapat sa araw ng karera ang June 24, ginagawan natin ng paraan upang maganap ang napakasayang araw ng karera para sa lahat ng bayang karerista at para maipagmalaki ng bawat Manilenyo. Kailangan nating pahalagahan ang ating mga tradisyon at ang ating kasaysayan kaya’t ako’y nagsumikap upang maganap itong espesyal na pagdiriwang na ito,” Wika ni Cong. Lopez.

“I look forward to seeing all our bayang karerista in the Araw ng Maynila Racing Festival and I would like to greet all kareristas, happy racing. I would also like to greet the people of the City of Manila a meaningful 450th foundation day. Next year, with all your help and support, I look forward to seeing the return of the Gran Copa de Manila race and a stronger horse racing industry,” Dagdag pa ni Cong. Lopez.

The post ARAW NG MAYNILA RACING FESTIVAL BABALIK appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
ARAW NG MAYNILA RACING FESTIVAL BABALIK ARAW NG MAYNILA RACING FESTIVAL BABALIK Reviewed by misfitgympal on Hunyo 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.