Facebook

4×1 PROGRAM NG ONE CHOOKS TO GO SA PRO CAGE LEAGUES

ISANG sports at destinasyon,apat na liga.

Markadong desisyon ang iniukit ng Chooks-to-Go Pilipinas sa kasaysayan ng Philippine basketball nang ipahayag ng mga organizers ng National Basketball League (NBL), Women’s National Basketball League (WNBL), Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) at VisMin Pilipinas Super Cup ang nagkakaisang layunin at adhikain na palakasin ang basketball development sa bansa at magkaroon ng kongretong ‘continuity’ sa paghubog ng mga talento sa sports na pinakamalapit sa puso ng sambayanang Pilipino.

“We all love the sports. And I’m happy and proud working on the same vision and mission with the organizers of this respectable four leagues. This One Chooks-to-Go Pilipinas is a platform for our talented homegrown players on their quest for basketball excellence,” pahayag ni Chooks-To-Go Pilipinas president Ronald Mascarinas.

Iginiit ni Mascarinas na mas mapapalawak ng naturang merger kung saan tatampukan ito ng ilulunsad na Champions League ang option ng mga basketbolistang Pinoy sa lahat ng sulok ng bansa para sa katurapan ng kanilang pangarap.

“We have to continue to innovate for the basketball fans. Hindi puwedeng ma-focus lang tayo sa isang option. Mas maraming option mas makabubuti sa ating mga players bukod sa dagdag na trabaho para sa mga sports personnel and technical people,” sambit ni Mascarinas.

“From collegiate, homegrown-based and regional-based players. Mas maraming talento ang makikita ng sambayanan,” aniya.

Batay sa konsepto ng Champions League, awtomatikong pasok ang top six team ng bawat liga, habang bukas ang nalalabing slots para sa publiko at iba pang liga maging ang Philippine Basketball Association (PBA).

“Parang March Madness ito sa US NCAA. Laban -laban ang top teams. This is open to the public, walang restriction. Kahit ang PBA we will invite them to join,” pahayag ni Mascarinas.
Ikinalugod ni VisMin Super Cup Chief Executive Officer Rocky Chan ang suporta ng Chooks-to-Go sa liga at ang ‘merger’ ay higit na makabubuti para sa mas nakararaming Pinoy basketball players.

“Mas maraming mapaglalaruang liga, mas makabubuti sa ating mga players. Mas makakapili tayo ng mga talento na puwedeng ilaban sa international tournament,” ayon kay Vhan.

Kinatigan ito ni MPBL Commissioner Kenneth Duremdes kasabay ang pahayag na nirerebesa na ng liga ang kanilang programa upang tuluyang mapasailalim sa kapangyarihan ng Games and Amusements Board (GAB) – ang ahensiya na nangangasiwa sa professional sports at athletes.

Sa apat na ligang sinusuportahan ng Chooks-to-Go para sa merger, tanging ang MPBL ang hindi pro league.

Nagbigbay din ng kani-kanilang aspirasyon at pagtanggap sa merger sina NBL-Pilipinas president Edward Aquino, WNBL-Pilipinas Chuef Rhose Montreal, gayundin sina Chooks-to-Go 3×3 head Aldin Ayo at Vismin Cup consultant Chino Trinidad.(Danny Simon)

The post 4×1 PROGRAM NG ONE CHOOKS TO GO SA PRO CAGE LEAGUES appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
4×1 PROGRAM NG ONE CHOOKS TO GO SA PRO CAGE LEAGUES 4×1 PROGRAM NG ONE CHOOKS TO GO SA PRO CAGE LEAGUES Reviewed by misfitgympal on Hunyo 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.