Facebook

5 tulak ng shabu huli sa Marikina

DALAWANG magkahiwalay na operasyon ng Marikina City Police ang nagresulta sa pagkakahuli ng 5 drug suspects nitong Huwebes.

Ikinasa ang buy-bust operation sa Barangay Barangka na target ang lalaking si alyas Che-Che.

Ayon sa ulat, kasama si Che-Che sa ‘drugs watchlist’.

Nakuhanan ang mga suspek ng 13 gramo ng shabu na nasa P88,000 ang halaga.

Sa Barangay Santo Niño, kulong naman ang isang vendor at isang construction worker nang mahuling nagpapalitan ng shabu.

Nagpapatrolya ang mga naka-sibilyang pulis nang mapansin ang dalawang lalaki.

Tatlong pakete ng shabu ang samsam sa mga suspek.

The post 5 tulak ng shabu huli sa Marikina appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
5 tulak ng shabu huli sa Marikina 5 tulak ng shabu huli sa Marikina Reviewed by misfitgympal on Hunyo 18, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.