Facebook

P5.2m shabu nasamsam sa Ilocos Norte; P2m sa Taguig

NASAMSAM sa isang tulak ng droga ang P5.2 milyong halaga ng shabu sa entrapment operation sa Barangay Balacad, Ilocos Norte.

Kinilala ang naaresto na si Ronald Gonzales, 39 anyos, tubong Baguio City, ikinokonsiderang “high-value individual”.

Ayon sa report, nakuha mula kay Gonzales ang 19 plastic sachets ng shabu na may bigat na 522 grams.

Samantala, arestado ang 2 drug suspect sa buy-bust operation sa Taguig City, Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang nahuli na si alyas Halima, 48; at alyas Ponggo, 20.

Sa ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO), nagsagawa ng operasyon ang drug enforcement unit ng Northern Police District sa Cagayan De Oro Street, Barangay Maharlika.

Ayon sa report, nakuha sa mga nadakip ang 6 sachet na 300 gramona nagkakahalaga ng P2.04 milyon.

The post P5.2m shabu nasamsam sa Ilocos Norte; P2m sa Taguig appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
P5.2m shabu nasamsam sa Ilocos Norte; P2m sa Taguig P5.2m shabu nasamsam sa Ilocos Norte; P2m sa Taguig Reviewed by misfitgympal on Hunyo 18, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.