Facebook

Honest worker: P191K napulot at ibinalik ng basurero

ISANG garbage collector sa Pangasinan ang nagsauli ng halos P200,000 cash money na natagpuan nito sa basurahan.

Ayon kay Reny Corpuz, nangongolekta siya ng basura noong June 5 nang makapulot siya ng P500 sa tabi ng isang trash bag na nadiskubre ni-yang naglalaman ng P191,000.

Pero sa halip na angkinin, agad niya itong dinala sa local government unit ng Urdaneta, Pangasinan.

Sinabi ni Corpuz, ayaw niyang kunin ang perang hindi niya pinagpaguran.

Samantala, naibalik na sa mga may-ari ng establisyimento na aksidenteng nagtapon sa paper bag na naglalaman ng pera nang magsagawa sila ng general cleaning.

Dahil sa kabutihang loob ni Corpuz, na-promote ito sa trabaho.

“From contractual to casual immediately, he was given that status today,” saad ni Emily Lucero, head ng Urda-neta City General Services Office.

The post Honest worker: P191K napulot at ibinalik ng basurero appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Honest worker: P191K napulot at ibinalik ng basurero Honest worker: P191K napulot at ibinalik ng basurero Reviewed by misfitgympal on Hunyo 18, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.