Facebook

2 Nigerian, 4 Pinoy huli sa drug buy bust sa Pampanga

DALAWANG Nigerian nationals at 4 Pinoy ang inaresto ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa buy bust operation sa Mabalacat, Pampanga.

Kinilala ang mga naaresto na sina Kingsly Anaelechi, 37 anyos; Nelson Okafor Jr., 25, kapwa Nigerian nationals; April Wright, 25; Eric Desuyo, 29; Norwin Carpio, 20; at Ralph Joseph, 25, pawang residente ng Mabalacat,.

Ayon kay PDEA Director General, Wilkins Villanueva, 11:30 ng gabi nang magsagawa ng buy bust operation ang mga elemento ng PDEA Pampanga Provincial Office ng San Juan St. ,Villa Teodora, Barangay Dau, Mabalacat.

Inaresto ng mga operatiba ang mga suspek nang maaktuhan sa loob ng drug den nang isinagawa ang buy bust.

Nasamsam ng mga otoridad sa mga suspek ang 30 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P204,000.00; 30 grams ng dried marijuana leaves na nagkakahalaga ng P3,600.00; at 2 grams ng high-grade ma-rijuana o (Kush) na nagkakahalaga ng P2,000.00; at drug paraphernalias. (Mark Obleada/Thony D. Arcenal)

The post 2 Nigerian, 4 Pinoy huli sa drug buy bust sa Pampanga appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2 Nigerian, 4 Pinoy huli sa drug buy bust sa Pampanga 2 Nigerian, 4 Pinoy huli sa drug buy bust sa Pampanga Reviewed by misfitgympal on Hunyo 18, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.